GMA Logo Ruru Madrid
Photo: rurumadrid8 (Instagram)
What's Hot

Ruru Madrid, balik-training sa Filipino martial arts

By Marah Ruiz
Published October 16, 2025 2:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP sends off over 2,000 cops for 2026 ASEAN meet in Central Visayas
Mga Balikbayan nga Makig-Sinulog sa Cebu, Mainitong Gisugat | Balitang Bisdak
Farm To Table: Panalo sa sarap!

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid


Haka-haka ng fans na may pinaghahandaan nang bagong proyekto si Ruru Madrid.

Nagbalik na si primetime action hero Ruru Madrid sa training para sa Filipino martial arts.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Ruru ang training niya sa isang fitness center kasama si Filipino martial arts expert Ronnie Royce Base at kanyang team.

Makikita sa mga litrato na inensayo nila ang tamang stance, defense, sipa, at paggamit ng baston bilang armas na mahahalagang disiplina ng local martial arts na Laraw Kali Pamuok.

Photo: rurumadrid8 (Instagram)



Niregaluhan pa ni Lakan Ronnie si Ruru ng espesyal na t-shirt.

"Discipline. Focus. Flow. Back to the roots. Back to the grind," sulat ni Ruru sa caption ng kanyang post.

A post shared by Ruru Madrid (@rurumadrid8)


Dahil dito, haka-haka ng mga followers ni Ruru na pinaghahandaan na niya ang kanyang television comeback project.

Maging si Lakan Ronnie, nag-tease din na may exciting na dapat abangan mula sa aktor.

"Something's cooking with LKPian Brother Ruru Madrid!!! Stay tuned!!! ," sulat niya sa Instagram.

A post shared by Ronnie Royce Base (@lakanron)


Matatandaang ilang beses na ring nag-training si Ruru sa ilalim ni Lakan Ronnie.

Magkatuwang ang dalawa sa paghahanda ni Ruru para sa fight scenes sa pangalawang season ng 2022's most-watched TV show na Lolong.

Samantala, buong August namalagi sa Canada si Ruru para sa Sparkle World Tour.
https://www.gmanetwork.com/entertainment/photos/ruru-madrid-sinalubong-ng-mga-biyaya-pag-uwi-mula-canada/24932/

Bago siya umalis, ibinahagi niyang paghahandaan na niya ang isang upcoming teleserye pagbalik niya mula dito.