GMA Logo Ruru Madrid
Source: rurumadrid8
What's Hot

Ruru Madrid, binalikan ang payo ni direk Maryo J. delos Reyes

By Marah Ruiz
Published January 3, 2025 2:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magnitude 5.3 earthquake hits offshore Sultan Kudarat
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid


Binalikan ni Ruru Madrid ang naging payo sa kanya ng yumaong talent manager na si direk Maryo J. delos Reyes.

Itinuturing ni primetime action hero Ruru Madrid bilang mahalagang regalo ang mga payo at lessons na nakukuha niya mula sa mga taong nakapaligid sa kanya.

Isa na dito ang dati niyang talent manager at yumaong direktor na si Maryo J. delos Reyes.

Binalikan ni Ruru ang payo mula kay direk Maryo na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nalilimutan sa quick fire interview ng luxury lifestyle magazine na Tatler Philippines.

"Dadaaan ka talaga sa mga pagsubok and then after that, magkakaroon ka ng wisdom. My late manager, direk Maryo J. delos Reyes, he told me na kaya naman niya akong ilagay sa lahat na mga projects na gugustuhin ko. Pero gusto niya it's because of your talent and it's because of you, hindi dahil sa akin or kanino man. Of course, gusto ko pa rin ipakita 'yung hardwork ko, 'yung talent ko. Doon nila 'ko kukunin sa mga projects na gagawin ko pa," lahad ng aktor.

Hindi man daw ito batid ng iba, pero lubos na pinagsikapan ni Ruru ang lahat ng mga tinatamasa niya ngayon.

"I am very hardworking. In every project that I'm doing, sobrang nagri-research ako about it. I always love to push myself to my limits and to be the best version of myself," bahagi niya.

Kaakibat nito, malaking motivation din daw para kay Ruru ang magbalik-tanaw sa maagang bahagi ng kanyang career.

"Bumabalik ako doon sa kung papano ako nagsimula. It may sound cheesy, pero 'yun talaga. I always love the feeling na makapagbigay ng inspirasyon sa mga tao na katulad ko rin noon na nangangarap," aniya.

Bukod dito, ibinahagi rin ni Ruru na favorite holiday niya ang bagong taon dahil pagkakataon itong magsimula muli.

"Every year, gusto mo nag-i-improve ka. Every year, gusto mo may bago kang napapakita. I guess 'yun 'yung magic noon," paliwanag niya.

Panoorin ang quickfire questions ng Tatler Philippines para kay Ruru Madrid dito:

A post shared by Tatler Philippines (@tatlerphilippines)

Matapos gumanap sa matagumpay na pelikulang Green Bones kung saan nagwagi siya bilang Best Supporting Actor sa Gabi ng Parangal ng 50th Metro Manila Film Festival, nakatakdang magbalik si Ruru sa primetime sa upcoming series na Lolong: Bayani ng Bayan.

Ang Lolong: Bayani ng Bayan ang pangalawang season ng number one adventure serye sa Philippine primetime at 2022's most watched TV show na Lolong.

Muling bigyang-buhay ni Ruru ang kuwento ni Lolong at ng mga Atubaw--lahi ng mga tao na may malalim na koneksiyon sa mga buwaya.

Gamit ang kanyang kakaibang mga kakayanan tulad ng pambihirang lakas at mabilis na pagpapagaling sa sarili, poprotektahan niya ang bayan ng Tumahan.

Kasama pa rin niya ang kaibigan niyang si Dakila, isang dambuhalang buwaya.

SILIPIN ANG EXCLUSIVE BEHIND-THE-SCENES PHOTOS MULA SA TEASER SHOOT NI RURU MADRID PARA SA LOLONG: BAYANI NG BAYAN DITO:

Abangan ang dambuhalang pagbabalik ng number one adventure serye sa Philippine primetime at 2022's most watched TV show sa pangalawang season nitong Lolong: Bayani ng Bayan, January 20 sa GMA Prime.

Balikan ang unang season ng Lolong: GMANetwork.com/Lolong