
Nalagay sa hotspot si Ruru Madrid sa "Count to 10" segment ng Studio 7.
Dito, ikinuwento ni Ruru ang storya sa likod ng ibang posts niya sa Instagram.
Isa na rito ang larawan nila ni Jasmine, na leading lady niya sa upcoming film na Cara X Jagger.
LOOK: Ruru Madrid and Jasmine Curtis-Smith's sweet moments for 'CaraXJagger'
Ayon kay Ruru, naging close raw sila ng aktres sa una nilang pagtatambal at malaki ang pasasalamat niya rito.
“Nagpadala ako ng bulaklak sa kaniya at cake cake and flowers kasi nagpasalamat ako na nagkatrabaho kami.”
Ruru Madrid, masaya sa pagtitiwala ni Jasmine Curtis-Smith sa 'Cara X Jagger'
Naglabas din ang hosts na sina Paolo Contis at Betong Sumaya ng 10 pictures ng Kapuso female celebrities para sa larong “Who would you rather?”
PInapili si Ruru kung sino kina Jasmine at Gabbi Garcia, na naka-love team din ni Ruru, ang pipiliin niya.
Sino kaya ang pinili ni Ruru?
Panoorin:
WATCH: Jasmine Curtis and Ruru Madrid play the 'Forgive or Forget' game on 'TWAC'