GMA Logo Ruru Madrid and Dennis Trillo
Source: Clare Cabudil
What's on TV

Ruru Madrid, Dennis Trillo, hindi nag-usap sa set ng 'Green Bones'?

By Kristian Eric Javier
Published December 12, 2024 10:01 AM PHT
Updated December 12, 2024 10:30 AM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid and Dennis Trillo


Alamin kung bakit hindi nag-usap sa set ng 'Green Bones' sina Ruru Madrid at Dennis Trillo.

Hindi umano nag-usap sa set ng Metro Manila Film Festival entry na Green Bones ang mga bida nitong sina Ruru Madrid at Dennis Trillo. Ngunit paglilinaw ng aktor, parte lang ito ng kanilang mga proseso bilang mga aktor.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, December 11, ikinuwento ni Ruru na mabibilang lang sa mga daliri ang panahong nag-usap sila ni Dennis sa set ng pelikula. Dagdag pa ng aktor ay kahit nagbabatian naman sila sa umaga pagdating nila sa set ay hindi na sila muli pang mag-uusap sa buong araw.

Nang tanungin siya ni King of Talk Boy Abunda kung bakit, ang sagot ni Ruru, “I guess it's our process.”

“Kasi parang the whole time na nasa set ako, nagme-meditate ako kasi mas gusto ko mas maging present ako sa eksena because karamihan ng mga eksena ko, hindi ako nagsasalita. It's all nuance. Parang karamihan mata-mata acting 'yung tinatawag nila,” paliwanag ng aktor.

Patungkol naman kay Dennis, sinabi ni Ruru na madalas ay hindi naman talaga nagsasalita ang Kapuso Drama King sa set.

Kuwento ng Kapuso Action Hero, “Parang makikita ko na lang siya nagpe-prepare siya, may ihaharap lang na salamin sa kaniya, mag-aayos siya ng buhok niya, and then makikita ko, pasok na agad siya sa character niya.”

“Mag-uusap lang kami or parang magkakaroon lang kami ng interaction once nasa eksena na kami. Pero bago po 'yun, never kaming nag-small talk,” dagdag pa ni Ruru.

BALIKAN ANG MEMORABLE HIGHLIGHTS NG 'GREEN BONES' MEDIA CON SA GALLERY NA ITO:

Paglilinaw niya ay kahit hindi sila masyadong nag-usap ay maganda naman ang working dynamics nila ni Dennis dahil na rin sa tulong at guidance ng kanilang direktor na si Zig Dulay.

Sabi ni Ruru, “Si Direk Zig, hindi po siya 'yung tipong magko-command sa'yo, 'O, ito 'yung gusto kong makita rito, ito 'yung dapat,' hindi. Makikipagkuwentuhan siya, ano ba 'yung mararamdaman mo sa eksenang 'to?'”

“So habang nagba-blocking palang kami, mafi-feel mo na 'yung presence ng lahat,” pagpapatuloy niya.