GMA Logo Ruru Madrid
What's Hot

Ruru Madrid, excited makasama ang mga Pinoy sa Canada sa 'Sparkle World Tour'

By Maine Aquino
Published August 6, 2025 5:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pasig River Esplanade ready in 10 days — Liza Marcos
Girl, 7, hit, run over by pickup truck in Ilocos Sur; dies
'Heated Rivalry' star Hudson Williams makes runway debut at Milan Fashion Week

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid


Alamin ang kuwento ni Ruru Madrid sa ikatlong beses niyang pagsama sa Sparkle World Tour.

Ibinahagi ni Ruru Madrid na excited na siya sa Sparkle World Tour ngayong Agosto.

Ang EDDYS Best Supporting Actor na si Ruru ay muling magiging bahagi ng Sparkle World Tour ngayong 2025. Makakasama niya sina Kyline Alcantara, Aiai Delas Alas, Jessica Villarubin, Boobay, and Pepita Curtis para i-entertain ang global Pinoys sa Canada.

Ruru Madrid Jessica Villarubin Boobay Aiai Delas Alas Pepita Curtis

Ayon kay Ruru, "I'm just very grateful right now. It's actually my third time para sa Sparkle World Tour. Noong una, we went to Canada, we went to Tokyo last year. This time, Canada ulit."

Gaganapin ang Sparkle World Tour ngayong August 16 and 17 sa Toronto, Canada, in partnership with Taste of Manila. Sa August 29 to September 1 naman gaganapin ang Sparkle World Tour sa Eau Claire Park, Calgary, in partnership with Fiesta Filipino. Samantala, ang GMA Pinoy TV na nagse-celebrate ng 20th anniversary ay ang proud media partner ngayong 2025 Sparkle World Tour.

Dahil sa pagkakapanalo kamakailan ni Ruru sa EDDYS para sa pelikulang Green Bones, inilahad niyang nais niyang ibahagi rin ang tagumpay na ito sa mga kababayan abroad.

Ani Ruru, "Lahat ng natamasa natin sa ating bansa gusto ko dalhin 'yun sa kanila because ang totoo niyan, ang ating mga tagasuporta, ang ating mga kababayan, sila po ang nagsisilbing inspirasyon sa atin to work harder at patuloy na gawin ang aking mga layunin at hangarin sa buhay. 'Yun po ay ang patuloy na makipagbigay saya sa maraming tao lalo na sa mga Kapuso natin na nasa ibang bansa."

Saad pa ni Ruru ay gusto niyang makilala at makapiling ang mga Pinoy na naninirahan sa Canada.

"Nakakatuwa kasi tayong mga Pilipino gusto nating makilala 'yung mga Kapuso natin na nasa abroad. Alam po natin ang kanilang mga buhay doon. I'm very excited lalo pa ngayon na makakasama ko ngayon ang aking Mama Ai (Aiai Delas Alas)."

NARITO ANG MGA LARAWAN SA MEDIA CONFERENCE NG SPARKLE WORLD TOUR 2025: