
Pinapangalagaan ni primetime action hero Ruru Madrid ang kanyang pangangatawan lalo na at bida siya ng hit full action series na Black Rider.
Walang sawa ang aktor sa pagwo-workout kahit ano pa ang lagay ng panahon para mapanatiling malakas ang sarili para sa mga maaksiyong eksena ng serye.
Kasabay ng kanyang bagong haircut, ipinakita ni Ruru progress ng kanyang pangangatawan sa kanyang Instagram account,
Makikita dito ang 6-pack abs at magandang mga braso niya.
"Anong paborito niyong panahon?," tanong niya.
Maraming malalaking pagbabago para sa karakter ni Ruru na si Elias sa Black Rider.
Nasa poder na siya ngayon ng kinamumuhian niyang ama na si Golden Scorpion leader Señor Edgardo (Raymond Bagatsing). Pangako pa nito na tutulungan niya si Elias sa paghihiganti laban sa mga taong nanakit sa kanyang pamilya.
Matatanggap ba ni Elias ang tulong nito?
Ayon kay Ruru, nag-iba man ang porma at katayuan sa buhay ni Elias, nananatili pa rin ang orihinal na layunin ng karakter.
"Isang mas malakas at mas matapang na mandirigma, na handang ipaglaban ang katarungan para sa kanyang pamilya, mga kaibigan at mga taong hindi kayang lumaban para sa kanilang mga sarili. ," lahad niya.
Patuloy na tumutok sa mga parating na episodes ng 2024 New York Festivals bronze medalist at 2024 Gandingan Awards Most Development-oriented Drama Program na Black Rider!
SILIPIN ANG MEDIA CONFERENCE PARA SA BAGONG YUGTO NG BLACK RIDER KUNG SAAN DUMALO SINA RURU MADRID, YASSI PRESSMAN, ANGELI KHANG AT IBA PANG MIYEMBRO NG CAST:
Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.
Walang magpapaiwan sa pagharuruot ng mas tumitinding kuwento ng full action series na Black Rider, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
May simulcast ito sa digital channel na Pinoy Hits at may delayed telecast naman sa GTV, 9:40 p.m.
Maaari rin itong mapanood via livestream online sa Kapuso Stream.