What's on TV

Ruru Madrid, from 118 lbs to 160 lbs dahil sa 'Encantadia'

By AL KENDRICK NOGUERA
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 8, 2017 8:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - EDSA 40 Coordinating Committee press conference (Feb. 18) | GMA Integrated News
Portion of road in South Cotabato collapses after heavy rains, quakes
Mga sinalanta ng Bagyong basyang sa Surigao del Sur, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



"Sobrang laki po ng weight gain ko. Nakakatuwa rin sa part ko na nakikita ko na 'yung mga pinagpaguran ko na akala ko dati [ay] walang effect." - Ruru Madrid
 

A photo posted by Ruru Madrid (@rurumadrid8) on

 

Lahat ng cast ng Encantadia ay may kanya-kanyang sakripisyo dahil maraming requirements ang bigating telefantasya. Isa sa mga nagkuwento ng kanyang mga pinagdaanang hirap ay si Ruru Madrid, ang gumaganap bilang Ybarro sa GMA Telebabad soap.

EXCLUSIVE: Ruru Madrid, natuwa nang ipagmalaki ni Dingdong Dantes bilang bagong Ybarro

Ayon kay Ruru, alam niya raw sa sarili niya na tagilid siyang masungkit ang role ni Ybarro noon. Saad niya, "Siyempre iniisip ko po kasi, kailangan ng magandang katawan. So nung time na 'yon, hindi ako [nagpupunta] sa gym. As in wala talaga."

Kaya naman nang malaman niyang siya ang masuwerteng nakakuha ng role noong April, nag-workout siya agad para pagandahin ang kanyang katawan. "Inadik ko 'yung gym. Halos everyday nasa gym ako kahit na galing po ako ng taping. [Kahit] puyat, pupunta ako ng gym para lang mag-workout, mag-muay thai, mag-arnis. Kailangan matutunan ko po lahat 'yon dahil [kay] Ybarro," kuwento niya.

Bahagi pa ng aktor, malaki raw ang itinaas ng kanyang timbang mula nang mag-umpisa siya sa showbiz. "Nung Protégé po natatandaan ko nagtimbang ako, 118lbs. Let The Love Begin 'yata 'yon sobrang payat ko, I was 140 lbs. Ngayon [ay] nasa 160 lbs na ako," pahayag niya.  

"Sobrang laki po ng weight gain ko. Nakakatuwa rin sa part ko na nakikita ko na 'yung mga pinagpaguran ko na akala ko dati [ay] walang effect," pagtatapos ni Ruru.

MORE ON RURU MADRID:

Ruru Madrid, inaming magtatampo siya kapag may iba pang nagustuhan si Gabbi Garcia

IN PHOTOS: Meet Ruru Madrid's gorgeous sister, Rere!