What's Hot

Ruru Madrid, gustong magturo ng Filipino martial arts

By Marah Ruiz
Published October 17, 2025 2:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Fire in commercial bldg in Zamboanga City leaves P10M damage
DOH urges: Skip firecrackers, welcome New Year 2026 with horns, light sticks
This Pampanga theme park has Disneyland vibes

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid


Gustong magturo ni Ruru Madrid ng Filipino martials arts in the future.

Tatlong beses sa isang linggo kung mag-training si primetime action hero Ruru Madrid sa Filipino martial arts na Laraw Kali Pamuok.

Bukod sa pagiging bahagi ng kanyang fitness routine, paraan din ito ng pagpapalawak ng kanyang mga kaalaman.

"Mahal ko 'yung martial arts. Gusto ko 'yung napapagod 'yung sarili ko. I love learning new skills," lahad ni Ruru.

Gusto din daw niyang maging mabuting halimbawa para makilala ang isang bagay na bahagi ng mayaman nating kultura.

"Mayroon tayong sariling atin. Ito, talagang Pilipino. Ito 'yung bibitbitin ko. I'm hoping na makahawa ako sa mga kapwa natin Pilipino at makapagbigay tayo ng inspirasyon sa mga kabataan na i-try nila 'to," pahayag niya.

"Marami kang matututunan diyan. Hindi lang 'yung skills but also 'yung disiplina," dagdag pa ni Ruru.


Siniseryoso ng aktor ang pag-aaral ng Laraw Kali Pamuok. Sa katunayan, nais day niya itong ituro sa mga kabataan in the future.

"Gusto kong ibuhos lahat ng energy at atensiyon ko dito at i-master ko siya. Eventually, ang goal ko or navi-visualize ko is maging lakan ako someday. [Gusto kong] maging teacher and I get to go sa mga schools, makapagturo sa mga bata about Filipino martial arts," bahagi ni Ruru.

Sa ngayon, mabuti daw itong paraan para manatiling fit at ready sa mga upcoming projects niya.

"Kung ano 'yung hindi ko nagawa doon sa last project ko, gagawin ko siya dito. I always want na hanapin 'yung best version ng sarili ko all the time," aniya.

Panoorin ang buong ulat ni Athena Imperial para sa 24 Oras sa video sa itaas.