
Patuloy na pinag-uusapan ng viewers at fans ang masakit na sakripisyo ni Sang'gre Terra (Bianca Umali) sa Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Upang protektahan ang mga mundo laban sa kadiliman, pinili ng Sang'gre na ibuwis ang kanyang buhay sa kamay ni Bathalang Gargan (Tom Rodriguez).
Agad namang pinusuan ng fans ang naturang eksena, marami ang nagdadalamhati para sa yumaong Sang'gre. May ilan ding humanga sa tapang ni Terra at sa matinding tagpo ng dalawang karakter.
Isa sa mga labis na humanga ay ang kapwa Sang'gre star at real-life partner ni Bianca na si Ruru Madrid.
Sa kanyang latest post, hindi napigilang magbigay ng papuri ang Kapuso actor sa husay ni Bianca sa superserye.
"Sobrang proud ako sayo, Mahal," ani Ruru.
"Alam ko kung ano ang hirap ng ginagawa mo sa araw-araw lalo na para sa eksena na ito. Deserve mo lahat ng papuri at pagmamahal para sa iyong dedikasyon at pagmamahal sa iyong ginagawa."
Dagdag pa niya, hanga siya sa dedikasyon ni Bianca bilang isang aktres.
"Alam ko din na ginagawa mo ito para makapag bigay ng saya at magandang eksena para sa mga manonood. CONGRATULATIONS MY LOVE!" bati niya.
Kaagad ding pinusuan ng fans ang post ng aktor, marami ang pumupuri kay Bianca sa kanyang pagganap.
"Ang galing mo terra" komento ng fan.
"Naiyak ako dito Terra.. sana mabuhay ka muli Avisala Eshma Terra" dagdag pa ng isa.
Ngayong gabi, mababalitaan na ng Encantadia ang masakit na pagpanaw ni Terra sa kamay ni Gargan.
Ngunit hindi nila alam na hawak ng Bathalang Kadiliman ang Ivtre ng yumaong Sang'gre.
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang eksena ng Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
Basahin ang ilang komento ng Sang'gre viewers sa huling laban nina Terra at Gargan dito: