What's on TV

Ruru Madrid, hanga sa kanyang female co-stars sa 'Black Rider'

By Marah Ruiz
Published May 17, 2024 3:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Gabe Norwood’s final buzzer comes as Rain or Shine campaign ends in QF
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid


Pinuri ni Ruru Madrid ang mga babaeng co-stars niya sa seryeng 'Black Rider.'

Mas maaksiyon pa ang mga susunod na episodes ng full action series na Black Rider.

Sinisikap ng bida nitong si primetime action hero Ruru Madrid na lalong mapaganda ang serye para sa mga manonood.

"Ito 'yung parang bagong yugto na kasi ng Black Rider. Kung nakita natin 'yung mga pasabog noong first season, nakita natin kung gaano kagrabe 'yung mga bakbakan, gusto natin mahigitan 'yung expectations ng mga tao doon sa mga gagawin natin dito po sa bagong yugto," pahayag niya.

Bukod sa mga patuloy na pagganda ng kuwento, mas lalo raw magiging nakakawili ang Black Rider dahil sa mga bagong karakter, kabilang si sexy actress Angeli Khang.

"Nakita naman po natin na ang dami pong pumasok na bagong characters. Of couse, si Angeli Khang bilang si Nimfa, nakita natin na marunong pala siyang makipaglaban, marunong siyang bumaril," kuwento ni Ruru.

Pinuri niya rin ang beteranang aktres na si Chanda Romero na gumanap sa serye bilang pangulo ng Pilipinas.

"'Yung mga eksenang ginagawa nga namin, talagang very action-packed. Inangkas ko siya sa motor, maraming mga eksenang nagbabarilan kami so right now, I'm just enjoying every single moment na nagte-taping kami," lahad ng aktor.

Nakatakda ring maging bahagi ng serye ang Running Man Philippines co-star ni Ruru na si Lexi Gonzales.

Source: rurumadrid8 (IG)

Patuloy na tumutok sa mga parating na episodes ng 2024 New York Festivals bronze medalist at 2024 Gandingan Awards Most Development-oriented Drama Program na Black Rider!

SILIPIN ANG MEDIA CONFERENCE PARA SA BAGONG YUGTO NG BLACK RIDER KUNG SAAN DUMALO SINA RURU MADRID, YASSI PRESSMAN, ANGELI KHANG AT IBA PANG MIYEMBRO NG CAST:


Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.

Kapit lang sa mas suwabe, mas maangas, at mas kapana-panabik na bagong yugto ng full action series na Black Rider, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

Maaari rin itong mapanood via livestream online sa Kapuso Stream.

Panoorin din ang buong ulat ni Lhar Santiago sa 24 Oras sa video sa itaas.