
Isang hindi inaasahang pagkakataon daw para kay primetime action hero Ruru Madrid ang bago niyang pelikula.
Bibida si Ruru sa Hand of God, na tungkol sa isang sundalo na magtuturo ng football sa mga kabataan ng isang liblib na conflict area.
Isa ito sa siyam na full-length entries para sa prestihiyosong Cinemalaya Philippine Independent Film Festival ngayong taon.
"May mga bagay na dumarating sa buhay natin sa panahong hindi natin sila inaasahan.
"Sa tingin ko, isa dun ang Hand of God," sulat ni Ruru sa Instagram.
Nagbahagi din siya ng ilang behind-the-scenes photos mula sa set ng pelikula.
"Nung una akong tawagan ni Boss @ranvelrufino tungkol sa project na ito, I knew it was something special. Then I got the chance to talk to Direk @markangos who is the writer and director of this film, tungkol sa kwento, sa vision nya, at kung bakit nila ako naisip para maging lead sa pelikula na ito.
"One thing he told me that I'll never forget was that, napanood nila ako sa Green Bones.
"Bilang artista, sobrang meaningful marinig yun. It reminded me that every project you pour your heart into can lead you to the next story you're meant to tell," paggunita niya.
Ito ang unang pagkakataon na magiging bahagi si Ruru ng isang Cinemalaya film.
"Working on my first @cinemalayaofficial film became one of the most fulfilling experiences of my career.
"Alam naman natin na kapag Cinemalaya, passion project talaga. Hindi ka nandito dahil sa laki ng production or kasikatan. Nandito ang lahat dahil naniniwala sila sa kwentong gusto nila ikwento.
"At ramdam mo 'yun sa bawat araw ng shoot," lahad niya.
Humanga din daw si Ruru sa lahat ng mga nakatrabaho niya dito.
"Isa ito sa pinaka solid na team na nakatrabaho ko. Mula sa production, crew, cast, hanggang sa mga directors alam mong lahat committed at alam ng bawat isa ginagawa nila, kaya sobrang efficient ng set. Pero higit sa lahat, ang gaan ng set. Masaya. Walang ego. Lahat nagtutulungan at nagbibigayan ng inspirasyon sa isa't isa. At malaking bahagi ng experience na 'to ang mga batang nakasama namin. Sila rin ang isa sa mga dahilan kung bakit ang saya pumasok sa set araw-araw.
"We all gave everything we had for this film. Hindi dahil kailangan lang namin tapusin ito, kundi dahil lahat kami naniniwala sa kwentong gusto namin ikwento," bahagi ng aktor.
Very proud din si Ruru sa kuwento ng Hand of God.
"At its heart, Hand of God is a story about hope.
"Isang kwento tungkol sa pananampalataya, kabutihan at sa mga taong dumarating sa buhay natin at nagiging instrumento para baguhin ang direksyon nito. It's a reminder that even in our darkest moments, there's always hope and that sometimes, a single act of kindness can change someone's life.
"Maraming salamat sa buong Hand of God family for trusting me, inspiring me, and reminding me why I love doing what I do," pagtatapos ni Ruru.
Basahin ang buong mensahe niya tungkol sa pelikula dito:
Bukod sa Hand of God, busy din sa Ruru sa upcoming action-drama series niyang Hari ng Tondo kung saan makakasama niya si Kapuso Drama King Dennis Trillo.
Iikot ang kuwento ng serye sa mga taong hinubog ng Tondo.
Bukod kina Dennis, Ruru, at bahagi rin ng serye sina Rocco Nacino, Ryza Cenon, Ysabel Ortega, Elle Villanueva, Arra San Agustin, Victor Neri, Nonie Buencamino, at Isko Moreno.
Si Enzo Williams naman ang magsisilbing direktor ng serye.
SILIPIN ANG STORY CONFERENCE NG HARI NG TONDO DITO: