
Ano naman kaya ang sinasabi ni Ruru sa kanyang ex?
Ayon sa blog na tunaynalalaki.tumblr.com, “Ang tunay na lalaki, ‘di nagtetext sa ex niya, kasi alam niyang magseselos ‘yung girlfriend niya.”
Mukhang hindi sumang-ayon ang Kapuso rising star na si Ruru Madrid kaya nakangiting binahagi niya sa Mars, “’Di po naiiwasan po ‘yun eh. Kahit ex mo siya, close pa rin kayo eh.”
Hindi naman raw seryoso ang pinag-uusapan nila ng kanyang ex, “Nagtatanong [siya], ‘Saan ka nag-gym?’ [Current information] lang naman, hindi po about [sa personal stuff].”
Hindi rin daw ito nilalagyan ng malisiya ng Encantadia star dahil may respeto siya sa kanyang karelasyon ngayon at naiintindihan naman ito ng kanyang past love, “Alam naman po siguro ng ex [ko] na [hanggang dun na lang].”
Alam raw ng kanyang girlfriend kung may nagte-text sa kanya, “Magaling pong manghula eh. Pero siyempre, ikaw na mismo ang aamin na tinext ako ni ganito, ni ganyan.”
MORE ON RURU MADRID:
Ruru Madrid on bagging the role of Ybarro in 'Encantadia': "Akala ko nananaginip lang ako"
WATCH: Sino ang mas sweet kina Ruru Madrid and Gabbi Garcia?