
Patuloy sa kanyang martial arts training si primetime action hero Ruru Madrid.
Mahalaga daw ito hindi lang para sa kanyang physical fitness, kundi pati na rin sa kanyang iba't ibang bahagi ng kanyang buhay.
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Ruru ang isang maikling video ng kanyang training.
Kalakip nito, ipinaliwanag niya ang kahalagahan ng martial arts para sa kanya.
"Martial arts is more than just a fight, it's a mindset. It's the mental strength to defy intimidation and the technical skill that shapes your focus and control. In life, you defy the hardships and challenges, but you never defy the discipline.," sulat niya sa caption ng kanyang post.
Matatandaang nagsasanay si Ruru ng Filipino martial arts na Laraw Kali Pamuok sa ilalim ng mismong founder nitong si Ronnie Royce Base.
Sa katunayan, isinama na niya ito sa regular niyang fitness routine.
SILIPIN ANG TRAINING NI RURU MADRID SA LARAW KALI PAMUOK DITO:
Isa rin daw sa mga pangarap ni Ruru ay ang magturo ng martial arts sa kabataan.
Umaasa siyang magiging paraan ito para maipasa ang mahahalagang values tulad ng disiplina sa susunod na henerasyon.