GMA Logo ruru madrid, barbie forteza, yassi pressman
Source: barbaraforteza, rurumadrid8, yassipressman (Instagram)
What's on TV

Ruru Madrid, inaming nanligaw ng maraming babae noon: 'Niligawan ko si Barbie, Yassi, Lexi'

By Jimboy Napoles
Published March 9, 2023 7:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

ruru madrid, barbie forteza, yassi pressman


Barbie Forteza, Yassi Pressman, ilan sa mga babaeng inamin ni Ruru Madrid na niligawan niya noon.

Diretsahang inamin ni Ruru Madrid sa Fast Talk with Boy Abunda na dumating siya sa punto ng kanyang kabataan kung saan nanligaw siya ng maraming mga babae.

Sa panayam ng TV host na si Boy Abunda kay Ruru, ibinahagi ng aktor na tila sumobra ang kanyang confidence sa sarili lalo na sa panliligaw ng babae, dahil aniya, “Aamin ko dati talaga feeling ko sobrang pogi ko.”

Kuwento pa niya, “Lalo na noong hindi pa ako artista, for sure nakita mo ako Tito Boy, I was so thin, sobrang payat ko, iba pa 'yung itsura ko, iba pa 'yung porma ko, iba pa talaga the way ako magsalita, lahat talaga iba pa. Pero 'yung tingin ko sa sarili ko sobrang pogi ko like 'yung confidence ko out of this world.”

Ayon pa kay Ruru, minsan niya nang niligawan sina Barbie Forteza, Yassi Pressman, at Lexi Fernandez.

Aniya, “So lahat ng makasama ko, like for example makasalubong ko si Barbie, first time ko siyang makasalubong niligawan ko siya. Niligawan ko si Yassi, niligawan ko si Lexi Fernandez, mga ganun pero sila, 'Ha? Bakit mo ako nililigawan?'”

Dahil laging nauuwi sa busted ang kanyang mga naging panliligaw, dito na raw nag-umpisang mag-ayos ng sarili si Ruru.

“Ang bata ko pa noon as in fourteen pa lang. But then 'yun 'yung nagpabago sa akin kasi lagi akong naba-busted. Sabi ko sarili ko, tumingin ako salamin, sabi ko. 'Ano kayang problema sa akin?'' masayang sinabi ni Ruru.

“Ang ginawa ko Tito Boy doon ako nag-start mag-workout, doon ako nag-start kahit papaano na magbasa-basa, inayos ko 'yung pananamit ko,” ani pa ng aktor.

Samantala, muli namang mapapanood si Ruru sa primetime sa kanyang bagong serye na The Write One kung saan niya first time na makakatambal ang kanyang girlfriend na si Bianca Umali.

Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

SILIPIN ANG RED-HOT TRANSFORMATION PHOTOS NI RURU MADRID SA GALLERY NA ITO: