GMA Logo Ruru Madrid at Robin Padilla
What's Hot

Ruru Madrid, ipinaliwanag kung bakit siya nahahambing kay Robin Padilla

By Kristian Eric Javier
Published November 16, 2023 10:18 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Suansing urges Senate to resume bicam on 2026 budget as soon as possible
PBBM vows completion of San Juanico Bridge rehab by 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid at Robin Padilla


Binigyang-linaw ni Ruru Madrid kung sinasabing hawig ang kanyang pag-arte kay Robin Padilla.

Tinaguriang Kapuso Action Drama Prince ang aktor na si Ruru Madrid matapos siyang gumanap sa ilang successful action series, kabilang na ang pinagbibidahan niya ngayon na Black Rider. Ngunit hindi nakaligtas sa ilang netizens ang style ng kaniyang pag-arte, at ikinumpara ito sa isa pang kilalang action star na si Robin Padilla.

Sa interview ni Ruru sa Updated with Nelson Canlas podcast, inamin ng aktor na marami na ring nagsasabi sa kaniya tungkol dito, ngunit nilinaw na hindi niya ito sinasadya.

“Growing up, siya talaga 'yung hero ko e, 'yung parang iniidolo ko. Halos lahat ng pelikula niya, napanood ko, so siguro, somehow, nagagaya ko, unintentionally,” sabi niya.

Dagdag pa nito, “Nasa sistema ko na. Unconsciously, 'yun pala 'yung na-a-apply ko and I don't think it's bad. Idol ko talaga siya e.”

Sinabi rin ni Ruru na bukod kay Robin ay na-impluwensyahan din siya ng iba pang mga action stars mula sa Hollywood pati na rin sa mga Korean series na pinapanood niya.

Inamin din ng aktor na mahilig lang talaga siyang manood ng action at sinabing lahat ng napanood niya ay lumabas sa kaniyang action scenes.

BALIKAN ANG FATHER-DAUGHTER MOMENTS NINA KYLIE AT ROBIN SA GALLERY NA ITO:

Ngunit hindi lang mga netizens ang nakapansin ng pagkakapareho ni Ruru kay Robin dahil maging ang co-star niya at anak ng kaniyang idolo na si Kylie Padilla ay pinuna rin ito.

“May mga kilos si Ruru na nakikita ko talaga 'yung tatay ko. Sinasabi ko nga sa kanya, 'You look like my dad.' Actually, nakakatawa kasi nagko-compete kaming dalawa kung sino [ang] mas magaling gumaya,” pagbabahagi ng aktres sa hiwalay na interview.

Kuwento naman ni Ruru sa podcast ay sinasabi umano sa kaniya ni Kylie na halos kapareho niyang kumilos ang ama ng aktres.

Pag-alala ni Ruru, “Lagi nga niyang sinasabi na parang 'Oo nga no, ganyan na ganyan 'yung mga galaw ni Papa. Ganyan na ganyan kung papaano kumilos, tindig, tayo.'”

Pakinggan ang buong interview ni Ruru dito: