
Punung-puno ang araw ni primetime action hero Ruru Madrid.
Sa isang video sa Instagram, ipinasilip niya ang isang araw sa kanyang buhay.
Nagsimula ito sa pagbiyahe niya patungo sa set ng pinagbibidahan niyang action-adventure series na Lolong: Bayani ng Bayan.
Maaga si Ruru sa set dahil marami siyang mga eksenang kailangan kunan.
Pagkatapos ng mga ito, nakapagsingit pa siya ng oras para makapag-workout kasama ang girlfriend at kapwa Kapuso star na si Bianca Umali.
Dito na rin kumain si Ruru kanyang "first meal of the day" na isang protein shake.
Saglit na nagkaroon sina Ruru at Bianca ng quality time bago bumalik ang aktor sa set para ipagpatuloy ang ilang pang mga eksenang kailangan niyang kunan.
Madilim na nang magbiyahe si Ruru pauwi.
Samantala, sa ika-anim na linggo ng Lolong: Bayani ng Bayan, masusubukan ang tiwala ni Lolong (Ruru Madrid) sa mga tao sa paligid niya.
Isisiwalat ni Nando (Nonie Buencamino) sa kanya ang tunay na kulay ng kilalalang negosyante at philantropist na si Julio (John Arcilla).
Kasabwat na rin ni Julio ang pinagkakatiwalaang ni Lolong na si Mayor Flavio (Rocco Nacino).
Kanino ba dapat kumapi si Lolong?
NARITO ANG MGA EKSENANG DAPAT ABANGAN SA LOLONG: BAYANI NG BAYAN:
Patuloy na tumutok sa dambuhalang adventure serye na Lolong: Bayani ng Bayan, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.