
Live na nakapanayam nina Lyn Ching at Shaira Diaz ang Running Man Philippines celebrity runners na sina Mikael Daez, Glaiza De Castro, Ruru Madrid, Kokoy de Santos, at Angel Guardian sa Unang Hirit kaninang umaga, September 2.
Sinariwa ng lima ang naging shooting experience nila sa South Korea at ibinahagi ang ilan sa kanilang realizations doing the show.
Para kay Lolong star Ruru Madrid, sinabi nito na lumabas ang competitiveness niya while doing Running Man Philippines.
Aniya, “Competitive pala ako.”
“Ngayon ko lang napatunayan sa sarili ko,” aminado rin siya na frustrated siya kapag may hindi natatapos na isang bagay.
Dagdag niya, “Medyo, nung dahil lang po sa Running Man, pero dati hindi naman ganun. Siguro dahil napu-push ako ng mga kasama ko.”
Highlight naman para sa Kapuso Drama gem na si Glaiza De Castro na marami silang ginawa for the first-time, dahil sa reality show.
Paliwanag ng Sparkle actress, “Ang dami talagang ginawa namin dito na first time. Ang sarap lang ng feeling na ma-realize mo, 'Ah! Kaya ko pala 'yun,'”
Looking forward na rin ang actor-host na si Mikael Daez, dubbed as “The Captain” na bumalik sa Korea sa madaling panahon.
Sabi niya sa panayam sa Unang Hirit, “Sobrang saya ko. Actually, pinagusapan natin ito before we shoot in Korea. Gusto ko na mag-stay doon, na-in love ako sa sa South Korea. So for me, gusto ko nga bumalik, e. Ngayon na!”
Shot entirely in South Korea, Running Man Philippines is the first co-production between SBS (Seoul Broadcasting System) and GMA Network, and airs on weekend evening primetime: Saturdays, 7:15 p.m. and Sundays, 7:50 p.m.
LET'S TAKE A QUICK TOUR IN SOUTH KOREA WITH OUR CELEBRITY RUNNERS HERE: