
Sasabak sa unang pagkakataon sina Ruru Madrid, Bianca Umali, at Kara David bilang mga voice actors para bigyan ng boses ang mga Tinig ng Pag-asa, isang animated special episode ng AHA! tungkol sa children's rights.
Gaganap si Bianca bilang si Karla, isang batang babae na may kaibigan umano na isang kapre. Binibigyan pa siya nito ng mga pagkain at mga manika ngunit ang bilin nito, huwag ito ipapaalamkahit kanino. Pakinggan ang kuwento ng batang biktima ng pang-aabuso.
Bibida naman si Ruru bilang ang batang si Gino, isang estudyanteng sumisisid sa putik para makakuha ng ginto. Gaganap naman si Kara bilang guro ng mga estudyante, kabilang na si Gino. Hango sa award-winning documentary ng I-Witness na Gintong Putik, alamin ang kuwento sa likod ng talamak na child labor sa Pilipinas.
Samahan ang host at isa ring ama na si Drew Arellano, mga child expert, at ilang non-government organization (NGO) na isatinig ang kuwento ng mga bata sa AHA! November 19, 8:15 a.m. sa GMA.