GMA Logo Ruru Madrid
Photo: rurumadrid8 (Instagram)
What's on TV

Ruru Madrid, mas pinagtibay ng 'Lolong: Pangil ng Maynila'

By Marah Ruiz
Published June 3, 2025 2:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Philippines at the 2025 SEA Games: List of gold medalists
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid


Mas pinagtibay si Ruru Madrid ng experience niya sa 'Lolong: Pangil ng Maynila.'

Marami ang pinagdaanan ni primetime action hero Ruru Madrid sa likod at harap ng kamera sa action-drama series na Lolong: Pangil ng Maynila.

Bittersweet daw para kay Ruru ang nalalapit na pagtatapos ng serye, pero sinisigurado niyang maraming dapat abangan ang mga manonood sa huling mga episodes ng serye.

"Sobrang magiging maaksiyon itong mga huling araw na 'to. [I'm] very grateful sa lahat po ng mga natutunan at mga pinagdaanan namin sa programa po na ito," lahad niya.

Bukod dito, mas pinagtibay raw siya ng lahat ng naging karanasan niya habang ginagawa ang programa.

"Napakarami ulit mga injuries but sabi ko nga, ito 'yun mga nagpapatibay," bahagi ni Ruru.

Masaya rin siya na ang papalit na serye sa kanilang slot sa primetime ay ang upcoming fantasy series na pagbibidahan ng kanyang nobya at kapwa Kapuso na si Bianca Umali.

"Siyempre kung mayroon pong magwawakas, mayroon naman pong papalit at magsisimula po. 'yun po ang Sang'gre. Nakaka-excite actually," paliwanag ni Ruru.

Pagkakataon naman ito para suklian niya ang suportang ibinigay sa kanya ni Bianca sa Lolong.

"'Yun naman kami talaga ni Bianca. Lagi naming pinag-uusapan na parang sobrang blessed [kami] kasi after ko gumawa ng Lolong, siya naman ang nasa primetime," aniya.

Photo: rurumadrid8 (Instagram)


Samantala, nagtatago na ang pamilya ni Lolong (Ruru Madrid) dahil patuloy silang tinutugis ni Dona.

Tatanggapin na ba niya ang tulong ni Julio (John Arcilla) para mailigtas ang mga ito?

Abangan 'yan sa Lolong: Pangil ng Maynila, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.