
Mas nagiging maaksiyon ang full action series na Black Rider.
Sa ika-10 linggo ng serye, isang matindi at maaksiyon eksena ang nakumpleto ng mga bida nitong sina Ruru Madrid, Matteo Guidicelli at Jon Lucas.
Lumusob kasi si Calvin, karakter ni Jon, sa bahay ng fiancee ni Paeng na karakter naman ni Matteo. Para iligtas ang kasintahan at pamilya nito, nakipagbakbakan si Paeng sa grupo nina Calvin.
Siyempre, to the rescue rin ang karakter ni Ruru na si Elias na tumulong sa kanyang kaibigang si Paeng.
Matapos ang eksena, naglambing pa at pabirong humingi ng ice cream ang tatlo sa produksiyon ng show.
Ipinakita rin ni Jon ang kanyang playful side na malayong malayo sa karakter niyang si Calvin.
Tinutukso rin niya ang co-star na si Rainier Castillo na nagpapahinga sa pagitan ng paggawa ng eksena.
Panoorin ang paglilitas nila kay Joan (Arra San Agustin) dito:
Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.
Sumama sa biyahe ng full action series na Black Rider, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
May simulcast ito sa digital channel na Pinoy Hits at may delayed telecast naman sa GTV, 9:40 p.m.
Maaari rin itong mapanood via livestream online sa Kapuso Stream.