
Hindi nagpahuli si Kapuso actor Ruru Madrid at sumakay rin sa trending ngayon na kantang "Ale."
Sa 13-second TikTok video, game na game na sinasabayan ng aktor ang kantang "Ale" at ang hand steps nito.
Nang dumating sa part ng lyrics na "babaeng saksakan ng ganda" ay dito na rin lumabas ang longtime girlfriend na si Bianca Umali na naka-Sang'gre Terra costume.
Kasalukuyang mayroong mahigit 568,000 views at 53,000 likes sa TikTok ang entry na ito ni Ruru sa "Ale" trend.
"Aking nakita ang diwata na saksakan ng ganda!" sulat ng akor.
@rurumadrid1997 Aking nakita ang diwata na saksakan ng ganda! 😍🫠 @Bianca Umali #FYP ♬ original sound - CJ Villavicencio
Maraming netizens at fans ang kinilig sa celebrity couple at humanga sa ganda ni Bianca.
May ilan ding napatanong kung balik-taping nga ba si Ruru sa Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Noong nakaraang taon, muling napanood si Ruru bilang Ybrahim sa Sang'gre, kung saan pinuri ang madamdamin niyang eksena sa "Baliktanaw" episode.
Subaybayan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
Related content: #RuCa: Ruru Madrid and Bianca Umali's sweetest photos