What's Hot

Ruru Madrid, may kanta sa paghihintay ng tamang panahon sa pag-ibig

Published January 20, 2020 11:20 AM PHT

Around GMA

Around GMA

For Maggi PR Article In Photo 5
Libreng pap smear at breast exam, hatid ng GMAKF sa Catanduanes ngayong Women's Month | 24 Oras
Man punches senior citizen during road altercation; faces raps

Article Inside Page


Showbiz News



Maganda ang simula ng bagong taon ng Kapuso Action Drama Prince na si Ruru Madrid at may bago itong ni-release ng single sa ilalim ng GMA Music na pinamagatang 'Maghihintay.'

Maganda ang simula ng bagong taon ng Kapuso Action Drama Prince na si Ruru Madrid at may bago itong ni-release ng single sa ilalim ng GMA Music na pinamagatang 'Maghihintay.'

Sa komposisyon ni Mark Atienza, ang 'Maghihintay' ay awit ng isang lalaking handang hamakin ang lahat kahit na maghintay nang matagal para sa tamang panahon na makasama ang babaeng minamahal.

Ibinahagi ni Ruru na nakakakilig at relatable ang kantang ito, “Hindi siya hugot na masakit, makakapagbigay siya ng hope. Masarap pakinggan, feel-good. Para siya sa mga taong hoping doon sa taong gusto nila makasama habambuhay.”

Noong nakaraang taon, nakapaglabas na rin siya ng kaniyang debut single sa GMA Music na may title na 'Nawawala.'

Sa ngayon, naghahanda na rin si Ruru sa kaniyang pagbabalik sa TV sa programa ng News and Public Affairs na 'Lolong' kung saan makakasama niya ang mga Kapuso actresses na sina Sanya Lopez at Kim Domingo.

Ang 'Maghihintay' ay puwede na mapakinggan at available na sa Spotify, Apple Music, YouTube Music, at iba pang digital stores worldwide.