
Natutuwa ang Primetime Action Hero na si Ruru Madrid na si Miguel Tanfelix ang 8th Runner na mapapabilang sa high-rating na reality show na Running Man Philippines.
Kasalukuyang kinukunan ang season two ng hit show sa South Korea na nasa kalagitnaan ng winter season.
Nauna na inanunsyo na magkakaroon pa rin ng special role si Ruru sa Running Man Philippines, dahil hindi ito makakasama sa shooting ng programa habang busy ang Sparkle actor sa GMA Prime serye na Black Rider.
Sa panayam kay Ruru Madrid ng 24 Oras, nagbigay ito ng suporta sa pinakabagong miyembro ng kanilang pamilya sa Running Man.
Sabi ni Ruru, “I'm very happy na si Miguel 'yung naging parte nitong programa na 'to. I know he is very competitive. Alam ko na mage-enjoy siya kasama 'yung co-Runners ko, co-Runners namin.
“Siguradong aalagaan din siya ng mga 'yun.”
Makikipagtagisan sa mga mission at challenges si Miguel sa Running Man Philippines season two kina Mikael Daez, Glaiza De Castro, Buboy Villar, Kokoy de Santos, Lexi Gonzales, at Angel Guardian.
RELATED CONTENT: VULNERABLE MOMENTS OF VERSATILE ACTOR RURU MADRID: