GMA Logo Lolong season finale
What's on TV

Ruru Madrid, may mensahe para sa mga tumutok sa season finale ng 'Lolong'

By Marah Ruiz
Published October 1, 2022 3:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Lolong season finale


Nagbigay ng mensahe si Ruru Madrid para sa mga manonood ng tumangkilik sa 'Lolong' hanggang sa season finale nito.

Nagparating ng isang mensahe si Kapuso Action-Drama Prince Ruru Madrid sa mga masusugid na manonood ng most watched television program of 2022 na Lolong.

Lubos ang pasasalamat ng aktor sa lahat ng mga tumutok sa serye na nagtanghal ng season finale nito kagabi, September 30.

Sa kanyang Instagram account, nagbahagi si Ruru ng ilang litrato niya kasama ang isang cute stuffed toy na buwaya.

Nagbalik-tanaw siya sa mga naging pagsubok ng produksiyon ng Lolong at maging ng kanyang personal na buhay. Nagpasalamat din siya sa mga fans ng Lolong at ipinangakong may dapat pang abangan ang mga ito.

"WHAT A RIDE IT HAS BEEN,” sulat niya sa caption ng kanyang post. "I've been through many challenges in my life and this is one of the hardest I've experienced. Naalala ko yung time na I doubted myself dahil akala ko hindi na matutuloy itong show. I was about to give but it happened.”

"I trusted God's perfect timing and it was all worth the wait. May mga bagay na hindi mo dapat madaliin dahil pag nakuha mo, hinding-hindi mo ito ittake for granted,” aniya. "Maraming, maraming salamat sa inyong lahat for joining me in this journey. It's been the most beautiful experience but this is not yet a goodbye…"

Samantala, dambuhala rin ang naging pagtatapos ng Lolong.

Dito nagsagupaan sina Lolong, karakter ni Ruru, at si Armando na karakter ni Christopher de Leon, na tuluyang nang naging halimaw matapos magsalin ng dugo mula sa Punong Buwaya na si Dakila.

Pasok din sa top 10 trending topics sa Twitter Philippines ang official hashtag nitong #LolongSeasonFinale, habang nasa 19th spot ang karakter na si Armando at sa 20th spot naman si Ruru Madrid.

Lolong season finale


Kumpirmado namang magkakaroon ng pangalawang season ang Lolong, lalo na at natapos ito sa isang cliffhanger kung saan nakitang may isang kamay na tila may balat ng buwaya at matutulis na kuko ang lumitaw mula sa tubig.