GMA Logo ruru madrid ang paul salas
Source: rurumadrid8 (IG)
What's on TV

Ruru Madrid, may mensahe sa kanyang 'Lolong' co-star na si Paul Salas

By Marah Ruiz
Published July 3, 2022 1:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Celebrity breakups that shocked the nation in 2025
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City

Article Inside Page


Showbiz News

ruru madrid ang paul salas


Basahin ang touching message ni Ruru Madrid para sa kanyang 'Lolong' co-star na si Paul Salas.

Mapapanood na bukas ang dambuhalang adventure-serye sa primetime na Lolong.

Ipinagmamalaki ito ng bidang si Kapuso Action-Drama Prince Ruru Madrid dahil nalampasan niya, kasama ang buong produksiyon ng show, ang maraming pagsubok bago makumpleto ang programa.

May appreciation post din siya para sa co-star na si Paul Salas na gumaganap sa serye bilang Martin, anak ng isang makapangyarihang pulitiko at matinding kaaway ni Lolong, karakter naman ni Ruru.

Sa isang post sa Instagram, nagbigay ng mesahe si Ruru para kay Paul.

"Sobrang proud ako sayo brother! @paulandre.salas I saw your dedication sa craft mo. You gave everything in every scene na ginagawa mo and kahit kailan di mo kami nabigo. Lahat ng sacrifices mo pag dating sa trabaho magiging worth it yun," sulat ni Ruru sa caption ng post.

Masaya din daw si Ruru na nakatrabaho niya si Paul.

"You deserve all the praises na binibigay namin sayo kasi totoo yun. Maswerte ako at naka trabaho kita. Sabi mo nga simula palang to at magbabago ang mga buhay natin dahil sa programa na ito," aniya.

Inimbitahan din niya ang kanyang followers na abangan ang karakter ni Paul sa Lolong.

"Abangan si Paul Salas bilang si Martin sa Lolong this coming July 4 Monday sa GMA Telebabad," pagtatapos niya.

A post shared by Ruru Madrid (@rurumadrid8)

Sumagot naman si Paul sa comment section ng post ni Ruru. Itinuturing daw na inspirasyon ni Paul si Ruru.

"Salamat sa binigay mong tiwala sakin at salamat din every scene hinding hindi ka nag kukulang ibigay lahat ng makakaya mo para maging isang lolong! Lodi kita bro na iinspire ng pag ka passionate mo ang mga katrabaho mo isa na ako dun. thanks sa supporta congrats saatin!! Excited na ako mapanood ang mga pinag hirapan natin " komento niya.

Ang Lolong ay kuwento ng pangkaraniwang magniniyog na si Lolong, na matutuklasan ang 'di pangkaraniwang kakayanan niyang makipag-usap sa dambuhalang buwaya na si Dakila.

Huwag palampasin ang Lolong, simula ngayong July 4, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad!

Samantala, silipin ang ilang nakakamanghang trivia tungkol sa serye dito: