
Malaking mga pagbabago ang haharapin ng mga bida ng full action series na Black Rider.
Isa na diyan ang karakter ni primetime action hero Ruru Madrid na si Elias.
Marami sa kanyang mga kaibigan ang tuluyan nang magpapaalam matapos ang isang malagim na masaker. Mawawalay din siya sa pamilyang natitira.
Sa di inaasahang pagkakataon, makakatanggap siya ng tulong mula kay Señor Edgardo Magallanes--ang ama na lubos niyang kinamumuhian.
Dahil nasa bagong yugto si Elias sa kanyang buhay, may new look din si Ruru para sa kanyang karakter.
Nagbahagi ang aktor ng ilang litrato niya kung saan makikita ang mas maikli at clean cut na buhok.
Iba ito sa rugged look ni Elias na may bahagyang mahabang buhok na hindi naka-style.
"Bagong tabas si Black Rider," sulat ni Ruru sa caption ng kanyang post.
Nakita na rin ang new look na ito ni Elias bagong trailer ng progama, partikular sa mga eksenang sinasanay ni Señor Edgardo si Elias sa pakikipaglaban.
Patuloy na tumutok sa mga parating na episodes ng 2024 New York Festivals bronze medalist at 2024 Gandingan Awards Most Development-oriented Drama Program na Black Rider!
SILIPIN ANG MEDIA CONFERENCE PARA SA BAGONG YUGTO NG BLACK RIDER KUNG SAAN DUMALO SINA RURU MADRID, YASSI PRESSMAN, ANGELI KHANG AT IBA PANG MIYEMBRO NG CAST:
Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.
Kapit lang sa mas suwabe, mas maangas at mas kapanapanabik na bagong yugto ng full action series na Black Rider, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
May simulcast ito sa digital channel na Pinoy Hits at may delayed telecast naman sa GTV, 9:40 p.m.
Maaari rin itong mapanood via livestream online sa Kapuso Stream.
https://www.gmanetwork.com/entertainment/tv/kapuso_stream/videos/