
Hindi lang romance at drama ang dapat abangan sa GMA Telebabad series na The Write One dahil marami din itong maaksiyong eksena.
Nagbigay pa ang lead star nitong si Kapuso Action Drama Prince Ruru Madrid ng sneak peek sa mga exciting actions scenes na dapat abangan sa serye.
Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Ruru ang isang litrato niya na nakatungtong sa isang truck habang bahagyang duguan at nakasuot ng all black na suit.
Pabiro pa niyang inihambing ang kanyang look sa bagong pelikula ni Hollywood star Keanu Reeves na John Wick: Chapter 4.
"John Mahina : Chapter 4 ," sulat niya sa caption ng post.
Nasa ikalawang linggo na nito ang The Write One kung saan nagising na sa bagong mundo ang karakter ni Ruru na si Liam.
Bunga ito ng "revision" na ginawa ni Liam sa kuwento ng kanyang buhay gamit ang isang magical typewriter.
Muli na niyang natagpuan sa mundong ito ang asawang si Joyce, karakter ni Bianca Umali, pero ayaw nitong magkaroon ng kahit anong kaugnayan sa kanya.
Patuloy na tutukan ang The Write One, Monday to Thursday, 9:35 p.m. sa GMA, I Heart Movies at Pinoy Hits. May same-day replay rin ito sa GTV, 11:25 p.m. Maaari ring mag-stream ng advanced episodes nito, anytime, anywhere sa www.viu.com.
SAMANTALA, MAS KILALANIN PA SI RURU MADRID SA GALLERY NA ITO: