GMA Logo Ruru Madrid
Source: rurumadrid8/IG
What's Hot

Ruru Madrid, may pasilip sa mga dapat abangan sa 'Black Rider'

By Kristian Eric Javier
Published March 2, 2024 12:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

300-year-old pulpit in Maragondon church collapsed; assessment underway
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid


Ilang cast ng 'Lolong, magkakaroon ng mini-reunion sa 'Black Rider!'

Patuloy ang tagumpay ng action drama series na Black Rider na pinagbibidahan ni Ruru Madrid. Sa katunayan, bukod sa pagtawag sa kaniya noon bilang Lolong, ang karakter niya sa action series ng parehong pangalan, tinatawag na rin siya sa karakter niya naayong Black Rider.

“Nakakatuwa na tumatatak po sa puso po ng mga kabataan at ng sambayanang Pilipino ang mga ginagawa po natin,” sabi niya kay Cata Tibayan sa Chika Minute para sa 24 Oras.

Samantala, may malaking surpresa rin ang Action Drama Hero sa mga fans dahil ilan sa mga co-stars niya mula sa naunang serye niya na Lolong ang makakasama niya ngayon sa Black Rider.

“Magkakaroon ng mini reunion ang Lolong cast. Meron pong mga naging parte po ng Lolong at magiging parte po ngayon ng Black Rider,” sabi niya.

Magiging parte ang mga Lolong actors na sina Paulo Paraiso, DJ Durano, Leandro Baldemor, Gerald Madrid, at Lander Vera-Perez ng Paa ng Alakdan bilang mga ama ng Golden Scorpion boys na sina Joem Bascon, Dustin Yu, Joaquin Manansala, Kim Perez, Vance Larena, at Saviour Ramos.

Samantala, sinabi naman ni Ruru na kaabang-abang ang magiging kumprontasyon niya sa pinuno ng Golden Scorpion Boys na si Calvin Magallanes, ang role na ginagampanan ni Jon Lucas.

“Grabe 'tong mga bakbakan so hopefully abangan niyo po 'yan at hindi lang 'yun, 'yung revelation, siyempre nagkita na si Alma, si Sir Edgardo,” sabi niya.

Dagdag pa niya, dapat rin abangan kung ano ang mangyayari kina Elias, Edgardo Magallanes (Raymond Bagatsing), at Alma (Rio Locsin) 'pag nalaman na nila ang katotohanan tungkol sa pagkatao ni Black Rider.

“Ang dami, ang dami po nilang dapat pakaabangan hindi lamang sa aksyon, kundi sa mga kilig pagdating kina Pretty (Herlene Budol) at Oka (Empoy Marquez).

BALIKAN ANG GRAND ENTRANCE NG 'BLACK RIDER' STARS SA KANILANG MEDIA CONFERENCE SA GALLERY NA ITO:

Excited na rin umano si Ruru na maka-eksena ang dating Mayor ng Manila na si Yorme Isko Moreno, na nagsabi sa kaniya kung gaano ito kasaya na mapasama siya sa serye. Marami rin umano siyang natututunan sa beteranong aktor mula sa mga words of wisdom nito.

Pag-alala niya sa mga sinabi ni Isko, “Ang dami niyang nashi-share sa'kin, mga struggles niya before at sinabi niya na 'laban lang, ipagpatuloy mo lang 'yung ginagawa mo, paghusayan mo lang 'yan, at makakamit mo lahat ng pinapangarap mo.'”

Panoorin ang interview ni Ruru dito: