
Nagdala ng inspirasyon at encouragement ang Lolong star na si Ruru Madrid sa mga nakilahok sa Sparkle Campus Cutie.
Isa sa mga guest noong Sparkle Campus Cutie finale si Ruru at nagbigay ito ng payo sa mga Campus Cuties na pangarap maging artista.
Nasubaybayan daw ni Ruru ang mga boys sa social media at nakita niya kung gaano ka-determinado ang mga ito sa ginagawa nila.
"For me kasi, ang pagaartista, hindi lang naman 'yan para sa kasikatan, hindi lang naman 'yan for the sake of you know, magkaroon ka ng pera at makatulong sa pamilya, hindi lang 'yun," sabi ni Ruru habang binibigyang-halaga ang determinasyon ng mga Campus Cuties.
Ipinaliwanag ng aktor na hindi madali ang pagiging isang artista at inamin nito na napakahirap pasukin ang mundo ng showbiz.
Dagdag nito, "Pero kapag mahal mo ang ginagawa mo kapag mayroon kang purpose kung bakit mo ito ginagawa at kumbaga mayroon kang inspirasyon, lahat po 'yan mapapadali."
Pinagaan din ni Ruru ang loob ng mga Campus Cuties na sakaling hindi magtagumpay at sinabi nito na "Hindi po 'yan ang end of the world."
"Tandaan niyo sa buhay, kailangan natin dumaan sa mga ganoong klaseng pagsubok, manalo o matalo, dapat magpupursigi ka. Patuloy kang lumaban sa pangarap mo at walang sinuman ag makakapagdikta ng kung ano 'yung future mo," pagbigay inspirasyon ni Ruru sa mga Campus Cuties na ipagpatuloy lamang ang kanilang pangarap.
Noong June 21, ginanap ang Sparkle Campus Cutie finale at si Mad Ramos na galing sa University of Santo Tomas ang itinanghal na ultimate Sparkle Campus Cutie.
Samantala, mapapanood pa din sa Netflix ang 2024 MMFF Best Picture film na Green Bones na pinagbibidahan ni Ruru at Dennis Trillo.
Balikan dito ang naganap na Sparkle Campus Cutie Finale: