
Good vibes ang dala ng latest reaction ni Ruru Madrid sa isang viral scene ng GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Kamakailan, naging usap-usapan online ang sweet at cute moment nina Terra (Bianca Umali) at Ec'naad (Justin de Dios) matapos nilang makuha ang tiwala ng sinaunang Kambal-Diwa na si Harahen (Diana Zubiri). Sa eksena, nagyakapan ang dalawa. Ayon pa sa fans, tila “kinilig” pa raw si Ec'naad!
Pero higit pa sa mismong eksena, kinaaliwan din ang real-life partner ni Bianca na si Ruru.
Sa isang meme na ginawa ng A'TIN fan, game na game na sumakay sa kulitan si Ruru sa comment section.
Imbes daw na magselos, pabirong tinapatan pa ng Kapuso actor ang larawan nina Terra at Ec'naad.
Masaya niyang ibinahagi ang throwback photo niya kasama ang buong SB19, sabay lagay ng caption "Okay lang, Terra! Basta sakin silang lima."
Kaagad pumatok ang comment ng aktor at pinag-usapan ng fans sa iba't ibang social media platforms.
Kabilang si Ruru sa GMA superserye bilang si Ybrahim, ang yumaong hari ng Sapiro at isa sa mga Ivtre na nais tumulong sa Encantadia.
Sa susunod na episode ngayong Lunes, ipapakita ang paglalakbay ng mga New-Gen Sang'gres at ni Pirena (Glaiza De Castro) habang ipapakilala na rin ang mga bagong karakter na tutulong kay Mitena (Rhian Ramos).
Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
Tingnan ang memes at reaksyon ng fans sa hug scene nina Terra at Ec'naad, dito: