
Ngayong Sabado, sina Ruru Madrid at Mikee Quintos ang makakasama natin bilang celebrity spotters sa nasayang hulaan at hulihan ng Catch Me Out Philippines.
Sa August 28, dalawang amateurs ang magpapagalingan sa kanilang inihandang performance. Ipapakita nila ang kanilang husay sa pag-perform ng a cappella at ng Paso Doble kasama ang mga professionals.
Photo source: Catch Me Out Philippines
Para mahanap kung sino ang amateurs sa performers, makakasama natin ang Kapuso stars na gaganap bilang celebrity Catchers ng Catch Me Out Philippines. Ito ay sina Myrtle Sarrosa, Dave Bornea, Nikki Co, Ayra Mariano, at Garrett Bolden.
Siyempre, hindi rin magpapahuli sa kulitan ang ating Catch Me Out Philippines host na si Jose Manalo at ang resident Spotter na si Derrick Monasterio.
Abangan ang Catch Me Out Philippines ngayong Sabado, 8:30 p.m. sa GMA Network.
RELATED CONTENT:
Abangan ang huling dalawang pasiklaban ng baguhan sa 'Catch Me Out Philippines'