
Isa sa Cinemalaya films na umaani ng magagandang reviews ngayon ay ang pelikulang Hand of God na pinagbibidahan ni Kapuso primetime action hero Ruru Madrid.
Sa report ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras, present ang cast at buong produksyon ng Hand of God sa naganap nilang gala screening noong Martes (August 11) sa Shangri-La Plaza, kung saan tinanggap nila ang Certificate of Recognition mula sa pamunuan ng Cinemalaya Foundation at Cultural Center of the Philippines.
Spotted din sa event ang Kapuso actress na si Bianca Umali na full support sa boyfriend na si Ruru Madrid. Dumalo rin ang GMA Public Affairs Senior Vice President na si Nessa Valdellon.
Pagbabahagi ni Ruru, binago siya ng kanilang pelikulang Hand of God, kung saan mas na-challenge siya para paghusayan pa ang pagiging isang aktor.
"Sobrang nakakataba po ng puso na lahat ng mga hirap, lahat ng mga pagod, worth it pala lahat ng 'yon dahil alam po namin na nakagawa po kami ng pelikula kung saan makapagbibigay kami ng aral at inspirasyon sa bawat manonood," sabi niya.
Sa nasabing Cinemalaya Film, gumanap si Ruru bilang sundalong si Lt. Reyes. Kasama niya sa pelikulang idinirehe ni Mark Duane Angos sina Iza Calzado, Ronnie Lazaro, Sue Ramirez, KD Omalin, at Jhong Hilario.
Related gallery: Ruru Madrid, Pokwang, at iba pang Kapuso stars na bibida sa Cinemalaya
2026