What's on TV

Ruru Madrid, na-impress sa kanyang naka-date mula sa Australia

By Maine Aquino
Published May 29, 2020 6:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Anthony Edwards, Wolves escape 19-point hole, level set vs Nuggets
Bill seeking stricter regulation of minors’ access to social media pushed
Alex Eala looks chic in modern Filipiniana at 2026 Laureus World Sports Awards

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid in E Date Mo si Idol


Si Ruru Madrid ang Kapuso actor na bumida sa 'E-Date Mo si Idol' nitong May 28.

Ang 26 years old na si Jenny mula sa Australia ang naka-date ni Ruru Madrid sa E-Date Mo si Idol nitong May 28.

Siya ay nag-aaral doon ng kursong project management at magtatapos na umano ngayong July.

Kuwento ni Jenny, pangalawang kurso na niya umano ito dahil nag-aral siya ulit. Dahil dito, na-impress si Ruru sa kanyang ginawang desisyon lalo na't naninirahan ito mag-isa sa ibang bansa.

Ayon sa Kapuso actor, magandang desisyon ang ginawa ni Jenny.

"Okay 'yang ginagawa mo. Nag-aral ka sa ibang bansa kahit na nakaka-homesick 'di ba? Para ma-explore mo rin 'yung sarili mo diyan."

Saad pa ni Ruru, bata pa si Jenny at marami pang time para mag-explore ng mga nais nitong gawin sa buhay.

"You're still young. 26 'di ba? I mean 'yan 'yung mga prime age pa 'yan ng babae eh.

"'Yun 'yung time na dapat nag-e-explore pa or dini-discover mo pa 'yung sarili mo."

Panoorin ang kanilang date mula sa E-Date Mo si Idol episode nitong May 28.

E-Date Mo Si Idol: SK Kagawad ng Taguig, pinalad na maka-DATE si Faye Lorenzo LIVE!

E-Date Mo Si Idol: One-on-One LIVE DATE with David Licauco