What's Hot

Ruru Madrid, nag-ala prinsipe at nagpakilig sa kanyang instadate

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 28, 2020 11:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Head coach LA Tenorio activated for Magnolia; Andrada, Abis also get green light
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



Dalawang araw pa bago ang Araw ng mga Puso pero inunahan na ito ng Kapuso young actor na si Ruru Madrid sa Sunduan Festival sa Parañaque City.


By BEA RODRIGUEZ

Dalawang araw pa bago ang Araw ng mga Puso pero inunahan na ito ng Kapuso young actor na si Ruru Madrid sa Sunduan Festival sa Parañaque City.

Ang pistang ito ay galing sa salitang Tagalog na “sundo” at nagmula pa noong panahon ng mga Espanyol. Sinusundo ng mga kalalakihan ang mga babaeng kanilang nililigawan at dinadala sa Saint Andrew’s Cathedral na may kasamang parada ng mga nagmamartsang banda.

“Sumisimbulo daw po itong Sunduan Festival sa pagiging romantiko ng mga taga-Parañaque at ang pagiging mayumi’t mahinhin naman ng mga dalaga. Ito ay pagpapahalaga ng mga binata sa dalaga noong sinanguna pa lang. Galawang breezy na talaga!” saad ni Ruru sa Unang Hirit.

Nagdamit ala prinsipe ang hunk actor at sinundo ang kanyang napiling ka-date para sa almusal. Pinakita rin ng former Let the Love Begin leading man ang kanyang pagiging “galawang breezy” habang sinusuot ang singsing sa daliri ng dalagang nagngangalang Justin, “Magandang binibini, ang singsing ko’y suotin, kasyang ipakita sa akin.”

Nagkasya ang singsing sa dalaga kaya inanyayahan na ito ng aktor na makipag-date sa kanya para sa isang kilig-filled breakfast for two.

LOOK: 23 times Ruru Madrid made us all Insta-kilig


                                                                                    Video courtesy of GMA News