
Isang lalaki na nakalabas ang washboard abs at may suot na crocodile head mascot ang namataang lumilibot sa Metro Manila.
Nagpasaya siya ng commuters sa iba't ibang bahagi ng Quezon City sa pamamagitan ng pagsasayaw.
Game na game din niyang nag-pose kasama ang ilang fans sa isang mall sa Pasay.
Ang crocodile mascot na may abs na 'yan ay bahagi ng pasasalamat ng dambuhalang adventure-serye ng primetime na Lolong dahil sa patuloy na suporta ng mga manonood sa kanilang programa.
Ikinatuwa naman ni Lolong lead star at Kapuso Action-Drama Prince Ruru Madrid ang magandang reaksyon ng publiko sa sorpresang inihanda nila.
Ayon sa aktor, marami pang mga nakahandang sorpresa ang serye sa loob at labas ng telebisyon.
"Halos bawat linggo, may bagong naiisip po ang Team Lolong para pasayahin po ang mga tao. Kaya naman po, abangan niyo pa po ang ilang mga pasabog na inihanda po ng Team Lolong para po sa inyong lahat. Kasabay po niyan ang mga maiinit na eksena gabi-gabi sa Lolong," pahayag ni Ruru.
Ngayong Agosto, dapat abangan sa Lolong ang pagbabalik ng mga Atubaw para maningil sa pagkaubos ng kanilang lahi.
Patuloy na tumutok sa Lolong, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.
Panoorin din ang buong ulat mula sa 24 Oras sa video sa itaas.