What's on TV

Ruru Madrid, nagpalaki ng katawan para sa bagong yugto ng 'Black Rider'

By Marah Ruiz
Published January 31, 2024 2:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid


Muling nagpalaki ng katawan si Ruru Madrid para sa bagong yugto ng 'Black Rider.'

Maraming pagbabago ang dapat abangan sa bagong yugto ng full action series na Black Rider.

Kabilang na diyan ang mas matapang at mas malakas na Elias Guerrero, ang karakter ni primetime action hero Ruru Madrid.

Para paghandaan ito, muling nagpalaki ng katawan si Ruru sa tulong ng longtime fitness coach na si Ghel Lerpido.

Sa kanyang Instagram account, nagbahagi si Ruru ng video ng kanyang workout.

"Bulking Szn… ELIAS 2.0," simpleng caption niya sa kanyang post.

Makikita rito ang mas malaki at mas malakas na mga braso ni Ruru. Pinasalamatan din niya sa comments si Coach Ghel.

A post shared by Ruru Madrid (@rurumadrid8)

Ipinasilip din ni Coach Ghel ang iba pang bahagi ng workout ni Ruru.

"Black Rider Workout… Back attack @rurumadrid8…" sulat niya sa Instagram.

A post shared by Gene Herald E. Lerpido (@ghel_lerpido)

Matatandaang galing sa pagkakasakit si Ruru at pinayuhan siya ng doktor na magpahinga muna.

Matapos ang kanyang recovery, agad siyang bumalik sa taping ng Black Rider.


Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.

Sa bagong yugto nito, malalaman na ang tunay na koneksiyon ni Elias sa Golden Scorpion, lalo na sa lider nitong si Edgardo (Raymond Bagatsing) at anak nitong si Calvin (Jon Lucas).

Malapit na ring makilala si Tiagong Dulas (Isko Moreno). Magiging kakampi o kalaban ba siya ni Black Rider?

Sumama sa biyahe ng full action series na Black Rider, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May simulcast ito sa digital channel na Pinoy Hits at may delayed telecast naman sa GTV, 9:40 p.m.

Maaari rin itong mapanood via livestream online sa Kapuso Stream.