
Ipinakita ni Ruru Madrid ang kanyang pagiging komedyante sa kanyang pagsabak sa Daddy's Gurl.
Sa episode nitong January 19 ay nakasama ni Ruru sina Vic Sotto at Maine Mendoza na lead cast ng programa. Dahil dito nagpasalamat si Ruru sa pagkakataong makatrabaho ang dalawa pati na rin ang direktor na si Chris Martinez.
Ani ni Ruru, "Thank you direk and sa lahat po ng cast ng #DADDYSGURLpangitain lalo na po kay Bossing and Maine :) godbless! Next time po ulit!"
Thank you direk and sa lahat po ng cast ng #DADDYSGURLpangitain lalo na po kay Bossing and Maine :) godbless! Next time po ulit ! https://t.co/B7Vp7HbOtt
-- Ruru✖️Madrid (@Rurumadrid8) January 19, 2019
Hindi lang sa Daddy's Gurl team nagpasalamat si Ruru dahil binigyang pansin niya rin ang mga manonood na sumuporta sa kanyang guesting.
Salamat po sa lahat ng nanood ng #DADDYSGURLPangitain :))
-- Ruru✖️Madrid (@Rurumadrid8) January 19, 2019