
Back to work na si primetime action hero Ruru Madrid sa ongoing taping ng pinagbibidahan niyang full action series na Black Rider.
Matatandaang na-ospital si Ruru matapos tamaan ng sore throat at lagnat ng ilang araw.
Masayang nagbalik sa set ng serye si Ruru at ibinalita niya ito sa pamamagitan ng isang selfie.
Makikita ditong nakasuot na ang aktor ng costume ng karakter niyang si Elias.
"I'm back," simpleng sulat ni Ruru sa caption ng kanyang post.
Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.
Sumama sa biyahe ng full action series na Black Rider, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
May simulcast ito sa digital channel na Pinoy Hits at may delayed telecast naman sa GTV, 9:40 p.m.
Maaari rin itong mapanood via livestream online sa Kapuso Stream.