
Dream come true para kay Ruru Madrid ang kanyang role ngayon sa action series na Lolong: Ang Bayani ng Bayan.
Sa isang online exclusive, nag-open up si Ruru Madrid na pinangarap niya maging isang action star noon pa man.
"Pinangarap ko ito simula noong bata pa lang ako. Mahilig ako manood ng mga action films," sabi ni Ruru.
Simula noon, itinatak na ng aktor sa kanyang isipan na maaabot niya ang pangarap na ito.
Dagdag ng Sparkle actor, "Iniisip ko noon na parang sana makagawa ako ng mga ganitong klaseng pelikula. Eventually, kapag tumanda ako, makapagbigay ng inspirasyon doon sa mga katulad ko na nangangarap din."
Ngayon, kinikilala na si Ruru Madrid bilang Primetime Action Hero.
"Malinaw sa akin na hindi ko i-te-take for granted ito dahil ito alam ko yung hirap na pinagdaanan ko bago ko nakuha ito," paliwanag ni Ruru.
Patuloy na mapapanood si Ruru sa action series na Lolong: Ang Bayani ng Bayan tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
Tingnan dito ang mga naging role ni Ruru Madrid sa telebisyon at pelikula: