
Bagama't fulfilled si Ruru Madrid sa 'workcation' niya sa Spain para sa historical film na Los Salvajes Bravos, tumatak din daw sa kaniya ang hindi magandang karanasan nang minsan kumain siya sa isang restaurant doon.
READ: Ruru Madrid proud to be back in MMFF after two years
Kuwento ni Ruru sa 24 Oras, nabastusan siya naging pagtrato sa kaniyang ng isang waiter.
“Kumakain ako sa isang restaurant mag-isa and then, nag-order ako ng steak pati ng fries. Yung nag-serve sa akin binato lang niya 'yung pagkain ko sa harapan ko.”
“Inisip ko, 'Papalampasin ko na lang ba 'to? Hahayaan ko na lang ba na ganun 'yung trato sa akin?'" paglalahad ng Kapuso Primetime Action Hero.
Pagpapatuloy niya, “Ang ginawa ko tinawag ko yung manager, nag-type ako ng Google Translate sa phone ko, para sabihin na, 'Itong tao mo, tinarato ako ng ganito. May kakayahan ako magbayad ng in-order ko, pero ganito niya ako tratuhin.'
"Lumapit sa akin yung nagbigay and then sinabi ko talaga sa kaniya na hindi tama na tratuhin tayo ng ganito.”
Ayon pa sa 28-year-old actor, may pagkakapareho rin daw ang nararanasan ng mga Pinoy ngayon sa dinanas ng mga Pilipinong tampok sa kuwento nila sa Metro Manila Film Festival entry na Los Salvajes Bravos.
Paliwanag ni Ruru, “Yung naranasan po ng mga Pilipino na dinala ho sa Madrid, Spain, during 1800s, hanggang ngayon nararanasan pa rin natin 'to. Hanggang ngayon, nakakaranas pa rin po tayo ng discrimination, nakakaranas pa rin tayo ng hindi pantay ang tingin sa atin.”
Samantala, exciting para kay Ruru ang pagbabalik niya sa MMFF, lalo na noong 2024 nanalo siya ng Best Supporting Actor award para sa GMA Pictures project na Green Bones.
Sa kanyang bagong MMFF film, sinabi ni Ruru ang maaaring matutuhan ng moviegoers rito: “Ano ba 'yung mga choices natin in life?
“Sino ba 'yung mga taong dapat na iluklok sa kung ano'ng puwesto. Marami pong mata ang mabubuksan nito. Maraming mga Pilipino ang magigising sa katotohanan.”
Bibida rin soon si Ruru Madrid sa primetime series na Hari ng Tondo kasama ang Kapuso Drama King Dennis Trillo.
Related gallery: Ruru Madrid's notable roles in television and film