
Naging usap-usapan ang pagbisita ni Ruru Madrid sa game show na The People Have Spoken nang tila ipinagtanggol niya ang mga cheater.
Sa July 25 episode ng original Kapuso game show, isa sa mga katanungan ay kung sang-ayon ba ang mga manlalarong sina Ruru at Mikoy Morales at Analyn Barro at Arra San Agustin sa katagang “Once a cheater, always a cheater.”
Sa naturang episode, sinabi ni Ruru, “Puwede pa talagang magbago kahit sino at papatunayan namin 'yan.”
Kaya naman, tanong ni King of Talk Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda ()nitong Martes, August 4, “Ang katanungan, napatunayan mo na ba?”
Pag-amin ng aktor, “I'm gonna be honest, Tito Boy, at ikaw naman 'yan, tayo-tayo lang naman ang nandito, yeah, napatunayan [na].”
Pagbabahagi ni Ruru, 20 years old pa lang siya noong nagkamali siya. Pero agad niyang nilinaw ng aktor na hindi dahilan ang kaniyang batang edad para magkamali. Kaya naman, malaki ang pasasalamat niya sa long-time girlfriend niyang si Bianca Umali dahil pinatawad siya nito.
Sa katunayan, itinuturing pa niya bilang blessing in disguise ang nangyari dahil doon umano nakita ni Ruru ang kahalagahan ni Bianca sa kaniya.
“Nag-break kami ng eight months, but now, eight years na po kami. Tinanggap niya po ako ulit. Kaya ko po sinasabi na kahit naman po sinong tao, pwedeng magbago, ano man pong klaseng pagkakamali 'yan, pwede pa rin pong magbago ang tao kasi, 'di ba, ang Diyos nga natin, marunong magpatawad,” sabi ni Ruru.
BALIKAN ANG REAKSYON NG ILANG CELEBRITIES SA ALEGASYON NG CHEATING SA GALLERY NA ITO:
Sinabi rin ng Kapuso Primetime Action Hero na si Ruru na, para sa kaniya, ang cheating ay choice ng isang tao.
“Alam naman natin, sa industriya natin, Tito Boy, napakadali pong mag-cheat. Hindi lang naman po sa industriya natin, sa kahit na ano pong industriya, madali pong magkamali, e. Pero nasa sa 'yo na 'yun kung gusto mong magkamali,” sabi ni Ruru.
Sa ngayon, maraming pinanghahawakan at pinapahalagahan si Ruru sa kaniyang buhay, kabilang na ang pagmamahal ni Bianca sa kaniya.
“Hindi na 'ko makakahanap ng isang babaeng nagmahal sa 'kin ng katulad po ng pagmamahal na binibigay niya, so 'yun lang po. Kumbaga, habang-buhay kong panghahawakan 'yun at every time na makakaramdam ako ng mga temptasyon, mananalangin ako,” sabi ni Ruru.