GMA Logo Ruru Madrid and Rere Madrid
What's on TV

Ruru Madrid, nami-miss ang mga pang-aasar niya sa mga kapatid

By Kristian Eric Javier
Published October 21, 2025 2:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ilang celebrities, nasimula nang mag-rehearse para sa "Kapuso Countdown to 2026"
Alleged female rebel nabbed for rebellion, crimes against humanity
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid and Rere Madrid


Gustong balikan ni Ruru Madrid ang closeness niya sa kanyang mga kapatid na sina Rere at Rara Madrid, sa kabila ng kanilang magkakaibang schedule.

Hindi maitatanggi na naging abala ang Kapuso Primetime Action Hero na si Ruru Madrid lalo na nitong 2024 at ngayong 2025. Bukod kasi sa pagbida niya sa Metro Manila Film Fest movie na Green Bones, bumida rin siya sa hit GMA Primetime action-drama series na Lolong: Pangil ng Maynila.

Sa pagbisita nina Ruru Madrid at ng kapatid niyang si Rere Madrid sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, October 21, binigyan sila ng pagkakataon ni King of Talk Boy Abunda na magtanong sa isa't isa.

Ang tanong ni Rere sa kaniyang Kuya, “Ano 'yung mga bagay na ginagawa mo sa 'min dati ni Ate Ra na nami-miss mo ngayon?”

Pag-amin ni Ruru, isa sa mga pinaka nami-miss niyang gawin ay asarin sina Rere at kapatid nilang si Rara. Dagdag pa ng aktor, iyon ang paborito niyang ginagawa.

“But I guess ngayon, siyempre, lahat kami ay kaniya-kaniya nang ginagawa at du'n sa mga moments na magkakasama kami, siyempre, parang for me, mas gusto kong napaparamdam sa kanila na nandito lang ako. Like anytime na kailanganin n'yo ako,” sabi ng aktor.

Aminado si Ruru na hindi siya showy pagdating sa kaniyang nararamdaman at madalas, hindi niya nasasabi kung gaano niya kamahal ang mga kapatid. Ngunit kahit ganu'n, umaasa ang aktor na nararamdaman pa rin nila ito.

Samantala, ang tanong naman ni Ruru sa kaniyang kapatid, “My question, naging mabuting kuya ba ako sa inyo?”

Ani Rere, “Oo naman, oo, sobra… Yes, sobrang buting kuya, like kung ako, bubuhayin ulit sa mundong ito, si Kuya 'yung pipiliin kong magiging kapatid pa rin.”

Hindi naman mapigilan ni Rere na maging emosyonal, at pinasalamatan pa si Boy Abunda sa pag-guest nito sa kanila ng sabay sa naturang GMA Afternoon Prime talk show.

“Alam mo, Tito Boy, thank you na ginuest mo kami dito kasi sa sobrang busy ni kuya, minsan na lang namin siya nakaka-bonding talaga,” sabi ng aktres.

Sinang-ayunan din ni Ruru ang sinabi ng kapatid tungkol sa pag-guest nila nang sabay sa Fast Talk with Boy Abunda.

“Feeling ko 'yung mga gantong moments 'yung nagpapaalala sa atin ng parang may mga taong mahahalaga sa atin na hindi na natin madalas nakakasama or parang hindi na natin madalas napaparamdam sa kanila kung gaano sila kahalaga at kung gaano natin sila kamahal. So, thank you,” sabi ni Ruru.

Panoorin ang panayam kina Ruru at Rere dito:

MAS KILALANIN PA ANG ISA SA MGA KAPATID NI RURU NA SI RERE SA GALLERY NA ITO: