GMA Logo Ruru Madrid
Image Source: rurumadrid8 (IG)
What's Hot

Ruru Madrid, napamahal na kaagad sa Tondo

By Marah Ruiz
Published April 21, 2026 12:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Anthony Edwards, Wolves escape 19-point hole, level set vs Nuggets
Bill seeking stricter regulation of minors’ access to social media pushed
Alex Eala looks chic in modern Filipiniana at 2026 Laureus World Sports Awards

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid


Napamahal na kaagad si Ruru Madrid sa Tondo, Manila na binisita niya kamakailan.

Bumisita sa Tondo, Manila kamakailan si primetime action hero Ruru Madrid.

Bahagi ito ng paghahanda niya para sa isang upcoming serye na pagbibidahan niya.

Marami siyang nakasalamuhang mga residente at nakipaglaro pa ng billiards.

Binigyan din niya ng merienda ang mga batang masigasig na sumalubong sa kanya.

Dama kaagad ni Ruru ang kultura at mainit na pagtanggap ng mga taga Tondo kaya kahit maikli ang kanyang pagbisita, napamahal na kaagad ang aktor sa lugar.

Ibinahagi niya ang ilang litrato at maiikling videos ng kanyang experience sa Instagram.

Ruru Madrid

"Maligayang pagdating sa lugar ng mga Pating at Leon," sulat niya na isang linya na mula sa awit na "Teritoryo" ni Pinoy rapper Third Flo'.

"Mahal na kita agad, Tondo," pagpapatuloy ng caption ni Ruru.

Nag-iwan pa ng komento si Third Flo' sa comments section ng aktor.

"ANG BAGONG HARI NG TUNDO! 🔥🔥," lahad ng rapper.

Makikita rin sa post ni Ruru na may suot siyang isang black top na mula sa clothing line ni Third Flo'.

A post shared by Ruru Madrid (@rurumadrid8)



Samantala, nakatakda ring mapanood si Ruru sa upcoming historical movie na Los Salvajes Bravos na tungkol sa grupo ng mga Igorot na dinala sa Spain para maging bahagi ng isang exhibition.

Bukod dito, patuloy si Ruru sa kanyang martial arts training para sa iba pa niyang mga proyekto.

Sa katunayan, pinangalanan pa nga siyang ambassador ng Filipino martial arts, kasama ang kanyang girlfriend at kapwa Kapuso star na si Bianca Umali.

Abangan ang pinaghahandaang serye ni Ruru Madrid, soon on GMA!

SAMANTALA, SILIPIN ANG ASTIG NA RACING HOBBY NI RURU MADRID DITO: