
Kasabay sa lalong pagningning ng bituin ng versatile Kapuso actor na si Ruru Madrid ay ang maging target siya ng mga masasakit na salita mula sa bashers.
Nito lamang April 11, isang internet troll ang nag-post ng masasakit na salita laban sa Kapuso hunk ng mag-post ito ng isang OOTD photo sa kanyang Instagram.
Sabi ng basher, “Puro porma lang wala naman laman ang utak.”
Hindi naman nagpaapekto si Ruru na sanay na sa kalakaran sa showbiz.
Tugon ng aktor, “K po!”
Unang nakilala ang Kapuso actor nang sumali siya sa Protégé: The Battle for the Big Artista Break noong 2012.
Tumanggap na ng samu't-saring pagkilala si Ruru Madrid tulad na lang nang manalo siya bilang Best Drama Actor sa 31st PMPC Star Awards for Television noong 2017 nang gumanap siya bilang Ybarro/Ybrahim sa Encantadia.
Nang sumunod na taon, nasungkit niya ang parangal sa 49th Box-office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Scholarship Foundation, matapos itanghal na Most Promising Male Star of the Year.
Ilan sa mga recent project ni Ruru and I Can See You, TODA One I Love, at Sherlock Jr.
Malapit na rin siya mapanood sa action-drama series na Lolong with Shaira Diaz.
Balikan ang jaw-dropping transformation ni Ruru Madrid mula sa isang teen sensation to hottie sa gallery below.
Related content:
Ruru Madrid wins Most Promising Male Star of the Year award