What's Hot

Ruru Madrid, natutuwang maihalintulad sa BTS

By Dianara Alegre
Published October 6, 2020 11:43 AM PHT
Updated October 6, 2020 2:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 up over 27 areas as Wilma threatens to make landfall over Eastern Visayas
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

ruru madrid bts


Ayon kay Ruru Madrid, “sobrang nakakatuwa at nakakataba ng puso” na maihalintulad siya sa iniidolo niyang BTS.

Isang malaking karangalan para sa Kapuso actor at BTS fan na si Ruru Madrid na mapansin ng kanyang mga idolo.

Dati nang napansin ng miyembro ng BTS na si V ang pagkakapareho ng kanilang OOTD .

Marami ring BTS fans ang nakapansin ng tila kanilang pagkakahawig.

Source: rurumadrid8 (IG)

Kamakailan naman ay muling napansin si Ruru ng grupo dahil sa dance cover niya ng global hit song nilang “Dynamite.”

“Para ma-compare ka sa mga ganu'n kasikat at ganu'n kahuhusay na mga performer, sobrang nakakatuwa, nakakataba ng puso.

“Pero siyempre, ako naman ay isang fan din na masasabi ko na humahanga lang din ako sa kanila,” ani Ruru.

Dagdag pa niya, ang bestfriend niyang si Mikee Quintos ang nag-impluwensiya sa kanya na maging fan ng grupo.

At pati si Bianca Umali na rumored girlfriend niya ay naimpluwensiyahan na rin ng pagkahumaling sa BTS.

“Sobrang fan din siya. Siguro dahil nakikita niya sa 'kin na sobrang fan ako ng BTS, 'tapos sobrang nagustuhan niya na rin 'yung BTS like to the point na nakita ko 'yung wallpaper sa iPad niya picture ng BTS,” aniya.

Source: rurumadrid8 (IG)

Samantala, bukod sa regular niyang paglabas sa Sunday noontime show na All-Out Sundays, naghahanda na rin si Ruru para sa upcoming series niyang “Lolong.”

“Kailangan na namin mag-taping as soon as possible. Dahil nga rin sa special effects, medyo mabusisi rin ito and napakagandang proyekto ito under News and Public Affairs,” sabi pa niya.