
Nakiisa si primetime action hero Ruru Madrid sa paghingi ng aksyon laban sa katiwalian at korupsyon.
Sa gitna ng mga kilos-protesta na sabay na nangyari sa Luneta at sa EDSA Shrine, ni-repost ni Ruru ang luma niyang litrato kung saan nakasakay siya sa animatronic na buwaya na si Dakila.
Mula ito sa unang season ng hit adventure series na Lolong.
Tulad ng orihinal na mensahe ng serye, ipinaalala ni Ruru na maaaring maging bayani ang sino man.
"Kahit sino, puwedeng maging Bayani--kung gagamitin ang boses para ipaglaban ang ating bayan at ipagtanggol ang mga walang laban.
"Hindi ang mga BUWAYA sa ilog ang tunay na dapat katakutan… kundi ang mga BUWAYA at GANID sa lipunan," sulat niya sa Instagram.
Hinikayat ni Ruru na huwag matakot ang kanyang followers na tumindig para sa bayan.
"Ngunit ngayon, hindi na dapat tayo matakot!
"Panahon na para Manindigan, Makiisa, at Lumaban.
"Panahon na para panagutin ang mga nang-ABUSO sa ating bayan, at ipaglaban natin kung ano ang tama--para sa bawat Pilipino, para sa bayan, para sa ating kinabukasan.
"#LULONGSaKurapsyon #ParaSaBayan," pagtatapos niya.
Nitong September 21, sabay na ginanap ang "Baha sa Luneta: Aksyon Laban sa Korapsyon" sa Luneta at "TrillIon Peso March" sa EDSA People Power Monument.
KILALANIN ANG MGA CELEBRITIES NA DUMALO SA MGA KILOS-PROTESTA NOONG SEPTEMBER 21:
Samantala, hindi naman pinalampas ng iba pang mga artista ng magpakita ng kanilang suporta online kahit hindi nakarating sa mismong pagtitipon.
SILIPIN ANG MGA CELEBRITIES NA NAGPAABOT NG KANILANG SUPORTA SA SEPTEMBER 21 PROTESTS: