What's on TV

Ruru Madrid, patuloy ang therapy matapos ang aksidente sa 'Lolong'

By Marah Ruiz
Published June 30, 2022 11:59 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Cebu landfill landslide victims now all accounted for with last missing body found
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid in Lolong


Patuloy pa rin ang therapy ni Ruru Madrid ilang buwan na matapos ang ankle injury na kanyang natamo sa 'Lolong.'

Ginunita ni Kapuso Action-Drama Prince Ruru Madrid ang naging aksidente niya habang nagte-taping ng ng eksena para sa dambuhalang action-serye sa primetime na Lolong.

Matatandaang nitong nakaraang March, naaksidente si Ruru habang nagpe-perform ng isang stunt sa set ng serye.

Ito na dapat ang huling lock-in taping ng kanilang programa kaya pakiramdam ni Ruru, nabigo niya ang team.

"Hindi ko naramdaman 'yung pain doon. Ang naramdaman ko pagbagsak ko, dahil na naman sa akin na uuwi lahat eh meron pa kaming one week na natitira," kuwento ng aktor sa podcast na Updated with Nelson Canlas.

"Mayroon pa kaming ilang araw pa para mag-taping pero bigla akong bumagsak. 'Yung hassle noon sa lahat ng tao, feeling ko na nabigo ko sila," dagdag pa niya.

Bago pa man ang aksidente, marami nang naging delays ang produksiyon ng show kaya lubos na dinamdam ni Ruru na magiging sanhi siya ng panibago na namang delay.

"I just felt na nabigo ko ang lahat. Parang ano ba 'yan? Because of me uuwi na naman, eh ang dami na ngang nangyayaring ganoon. Ito na matatapos na oh. Bakit ganon? Konting kapit na lang 'di ba?" ani Ruru.

Na-disappoint daw siya sa kanyang sarili at ginusto muna niyang maging mapag-isa.

"Lahat, kinakausap nila ako. Ayokong kumausap ng tao kasi feeling ko nabigo ko nga sila. Nahihiya ako para doon sa nangyari. Sana pala hindi ko na lang pinerfect 'yung eksena na 'yun. Sana pala hindi ko na lang ginawa," kuwento niya ukol sa naramdaman niya noon.

Naging very supportive naman sa kanya ang buong cast at crew ng show.

"Nagpaalam sila lahat sa akin. Everyone was saying na 'Ru, 'wag mo sisishin sarili mo.' Nagsend pa sila ng mga videos, lahat ng cast. Kinausap ako ng crew, staff, everyone," paggunita niya.

Sa ngayon, patuloy pa rin daw ang pate-therapy at rehabilitaion ni Ruru para sa kanyang injury.

"To be honest Kuya Nelson, right now hindi ako 100 percent. Itong paa ko hindi pa rin siya 100 percent. Right now nagre-rehab pa rin ako. Right now, nagte-therapy pa rin ako," bahagi niya.

Worth it naman ang mga sakripisyo ni Ruru dahil mapapanood na ang Lolong ngayong July 4 sa GMA Telebabad.

Source: rurumadrid8 (IG)

Gaganap siya sa serye bilang ang titular na si Lolong, isang binatang may kakaibang mga kakayanan, kabilang na ang mabilis na mapagaling ang kanyang sarili at ang makipag-usap sa dambuhalang buwayang si Dakila.

Gagamitin niya ang mga kakayanan ito para protektahan at tulungan ang mga kababayan niyang naaapi.

Huwag palampasin ang world premiere ng Lolong ngayong July 4, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad!

Samantala, silipin ang ilang nakakamanghang trivia tungkol sa serye dito: