
Marami-rami kayong makukuhang relationship advice at tips mula kay Rama Ybrahim, este, Kapuso Primetime Action Hero na si Ruru Madrid.
Ipinatawag ng House of Honorables ang guwapong aktor para sa session nila na tinawag na “In Aid of Change: Magbabago ka ba para sa Jowa?”
Proud na ibinida ni Ruru kina Chariz Solomon at Buboy Villar sa Your Honor na malaki ang papel ng girlfriend niya na si Bianca Umali kaya siya nagbago for the better.
“Gabi-gabi gumigimik ako. Talagang hindi na ako umuuwi sa bahay,” pag-amin ng Sparkle hunk.
“Lumaki 'yung ulo ko, yumabang ako. Then, eventually dumating si Bianca [Umali]. Feeling ko ano e, normal 'yun 'pag nasa relationship ka. Mas malaki 'yung pagbabago ko nung naging kami.”
Sundan ang iba pang revelations ni Ruru Madrid sa Your Honor ngayong October 4 pagkatapos ng Pepito Manaloto sa YouLOL YouTube channel.
RELATED GALLERY: #RuCa: Ruru Madrid and Bianca Umali's sweetest photos