What's Hot

Ruru Madrid, planong bumalik sa Japan kasama si Bianca Umali

By Kristine Kang
Published December 16, 2025 10:25 AM PHT
Updated December 16, 2025 10:38 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Evidence vs. public servants should not be used for politicking — Palace
2 hurt in Basilan fire; 3 houses razed
New food hall opens latest branch in BGC

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid and Bianca Umali


Labis din ang tuwa ni Ruru Madrid sa blessings na natanggap niya ngayong taon.

Bago pa man dumating ang holidays, nagbigay na ng saya at inspirasyon si Ruru Madrid sa mga Kapuso.

Kamakailan, bumisita ang Kapuso Primetime Action Hero sa Japan upang makisaya sa Pistang Pilipino event. Bagama't malamig na sa Land of the Rising Sun, mainit naman ang naging pagtanggap ng global fans kay Ruru.

Sa isang panayam ng GMA Integrated News, ibinahagi ng aktor ang kanyang labis na kasiyahan at pasasalamat sa naturang event.

"Sobrang nag-enjoy ako kasi mararamdaman mo talaga 'yung pagkasabik nila sa mga kapwa nilang Pilipino. Ako ang goal ko naman lagi is madala kahit papaano yung Pilipinas doon sa bansa nila," kwento niya.

Dagdag pa ni Ruru, nais niyang bumalik sa Japan bago matapos ang taon. Sa pagkakataong ito, kasama na ang kanyang girlfriend na si Bianca Umali.

Sa ngayon, abala pa si Bianca sa kanyang taping para sa GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre.

Kamakailan naman ay nagbahagi ng inspirasyon si Ruru sa graduation ng "The Big Idea Workshop" ng GMA Public Affairs. Dumalo ang Kapuso star upang ibahagi ang kanyang kuwento at karanasan bilang aktor.

"The good thing with [GMA] Public Affairs, talagang hindi sila tumitigil matuto at maghanap ng mga bagong konsepto at istorya na pwede maikwento sa mga tao," aniya.

Kabilang din si Ruru Madrid sa Encantadia Chronicles: Sang'gre bilang dating Hara ng Sapiro na si Ybrahim.

Mapapanood ang superserye 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV. Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

Samantala, maaaring iboto sina Ruru at Bianca bilang Kapuso Couple of the Year sa kauna-unahang GMANetwork.com Awards 2025.

Mag-log in sa www.gmanetwork.com/polls at iboto ang iyong favorite Kapuso stars at shows.

Maaaring bumoto hanggang December 28 at iaanunsyo ang winners sa Kapuso Countdown to 2026 ngayong December 31.

Tingnan ang couple photos nina Ruru Madrid at Bianca Umali sa gallery na ito: