
Halos sampung taon na ang nakalipas mula no'ng magkatrabaho sina Ruru Madrid at Yassi Pressman sa GMA drama-thriller series na Dormitaryo. Kaya naman, isang karangalan para sa aktor na makatrabaho muli ito hindi lang sa isa, kundi sa dalawang proyekto.
Sa interview ni Ruru sa noontime news show ng GTV na Balita Ko, ipinahayag niya kung gaano siya kasaya makatrabaho muli si Yassi.
“Siyempre nakita ko rin 'yung growth niya as an actress, nakita ko kung gaano siya naging successful bilang isang aktor, so parang makatrabaho ko siya uli, isang malaking karangalan sa'kin,” sabi nito.
Dagdag pa ni Ruru, “Siya pa rin po 'yung Yassi na nakilala ko noon. Sobrang simple, siya 'yung very professional, 'yung work ethics niya, nandun pa rin, so hindi na kami nahirapan.”
BALIKAN ANG REUNION NINA RURU AT YASSI SA 'VIDEO CITY' STORY CON DITO:
Gaganap si Yassi bilang leading lady ni Ruru sa action-drama series na Black Rider. Bukod pa dun ay magtatambal din sila sa pelikulang Video City, kung saan mapapadpad ang karakter ni Ruru sa taong 1995 at makikilala ang karakter ni Yassi.
Ang Video City ay kilalang shop kung saan maaaring magrenta ng mga pelikula sa VHS at VCD. Nang tanungin si Ruru kung naka-relate ba siya dito, ang sagot ng aktor, “Of course, naabutan ko po 'yung Video City noon.”
“Sabi ko nga, parang ang sarap mabuhay ng mga panahon na sobrang simple pa 'yung mga bagay. Ngayon kasi, parang anytime, anywhere, puwede kang makapanood ng pelikula,” sabi nito.
Nilinaw ng aktor na kahit may advantage ang streaming services na meron ngayon, hindi pa rin nito mapapantayan ang quality time na binibigay sa pamilya ng pagrenta ng mga pelikula.
“Kumbaga, ayaw natin masayang so lahat, buong pamilya, nanonood talaga ng sabay-sabay unlike ngayon, parang mag-isa ka, puwede ka na manood anytime,” sabi nito.
Panoorin ang buong interview ni Ruru dito: